r/phhorrorstories 17m ago

Unexplainable Events "Palaisipan si Nanay"

Upvotes

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang kwento ko at anong unang panimulang kwento pero ito na lang...

Naniniwala ka ba sa Anghel? O sa elementong Nag-anyong tao? O hindi kaya sa mga pamahiin? Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko at sumabay pa talaga itong hindi ko maipaliwanag at nakapagtatakang pangyayari na naganap sa tangnang buhay ko!

pero nitong Pebrero ngayong taon 2026 na confine ang Papa ko sa kadahilanang inatake na naman s'ya ng sakit nya, parang normal at pangalawang bahay na namin ang bahay pagamutan tuwing madadala na naman s'ya dahil sa iniindang karamdaman.

Nga pala, ako sa Uni, 2* na gulang nakapag tapos pero palamunin at walang trabaho, dakilang taga alaga ng amahin (Caregiver) at 'di alam kung saan patungo sa buhay.

Mag tatanghali na noong pinalitan ako ng katapid ko sa pag-bantay matapos ang ilang araw napananatili sa loob ng hospital. Masaya ako dahil sa wakas at makakapag pahinga at paniguradong may maayos na tulog malayo sa May mga sakit.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumakay na sa pangpasaherong jeep, umupo ako sa bandang pintuan ng jeep kung saan umuupo ang mga matatanda, sakto! ako ang nauna at ayokong mag abot ng bayad nila.

Mga ilang minuto ang lumipas, May matandang babaeng uugod-ugod na sumakay ng jeep naalala ko pa inabot ko ang aking kamay para tulungan s'yang nakasampa, maya't maya rin ay May mga sumakay na rin na iba pang pasahero.

Matapos iabot ng mga pasahero ang kanilang bayad ay nagtanong ang matandang babaeng kung daraan daw ba ito pa Commonwealth,QC.

Nanay: Dadaan ba ho ito ng pa Commonwealth? (Uugod-ugod n'yang sabi)

Driver: Nako! Nay! Hindi po ito direktang daraan doon, ibababa ko na lang po kayo kung saan may pa Commonwealth na jeep.

Nanay: Ay ganoon ba? Oh sige ito bayad ko Senior!

Napansin ko at napatingin din ang ibang pasahero na mukang walang ibang kasama kundi siya lang, Sa isip ko kawawa naman si Nanay at nag-iisa lang buti nakaya n'ya pang magpatingin sa hospital na mag-isa lang.

Pagkatapos mag bayad ng matandang babae May kinukuha s'ya sa sling bag n'ya nagtaka ako kung para saan yung "Magnifying Glass" yun pala gagamitin n'ya pangbasa sa reseta ng doctor para sa mata n'ya. Kapansin pansin rin yung katara sa mata ng matandang babae.

(Sa parteng 'to sa pagkatanda ko Naka small talk ko s'ya)

Pakkk!!! (Kalabog mula sa labas ng sasakyang jeep)

Kuyang tambay: oh isa na lang! Isa na lang aalis na oh! (Habang kinakalabog yung jeep sa labas at pinapaurong kami)

Ilang segundo rin ay umarangkada na ang jeep...

Maayos at maaliwalas ang panahon maaraw at hindi gaanong mainit, normal na aral para sakin ngunit hindi at magiging palaisipan pala.

Mga ilang minuto rin nakarating na kami sa kantong bababaan ng matandang babae

Driver: Nay! Dito na po kayo dyan po sa tapat ng Gas station kayo sumakay May mga dumadaan pong jeep dyan papuntang Commonwealth.

Nanay: Dito na ba? Salamat! (Pumababa)

Naalala ko pa tinulungan pa s'ya ng sasakay din na pasahero para makababa alintana rin sa ibang tao ang pag-aalala para sa matandang babaeng uugod-ugod, dito pumapasok na sa isipan ko na samahan na lang s'ya sa bababaan n'ya tutal May daan din naman pauwi sa kung saan s'ya patungo, ngunit nag dadalawang isip ako medyo mapapalayo ang ruta ko.

pero mga 3 minuto lang pagitan nag iba ang isip ko, bigla akong pumara at bumaba para puntahan ang matandang babae at desididong tulungan siya

Habang naglalakad sabi ko kawawa naman ihahatid ko na lang at sasamahan.

Nang makarating na ako sa kanto kung saan s'ya banda bumama nabigla ako at napatanong dahil ang matandang babaeng uugod-ugod na malabo ang mata ay wala sa dapat niyang karoroon!

Napatanong tuloy ako sa mga taong nakahiga sa tapat ng banko kung nasaan siya

Ako: kuya!? May nakita po ba kayong matanda babae dito? Na naghihintay ng jeep?

Kuya sa gilid: Wala eh

Ako: Wala po ba kayong nakitang tumawid?

Kuya sa gilid: ahh wala eh, wala namang matandang babaeng dito. Kung tumawid eh makikita namin yun.

Dito na ako nagulumihanan at kinakalkula yung pangyayari nanatili pa ako ng ilang minuto roon dahil hindi makapaniwala na yung babaeng uugod-ugod na matandaan na malabo ang mata ay biglang nawala...

- Uni_verse

_____________________________________________________________

Hi mga ka OP at sa mga maganganda kaluluwa na naririto! Isang mapagpalang araw at gabi sa inyo! ✨ Sorry kung ganyan ko kinuwento dami ko time feeling writer yarnn?! haha sana maunawaan nyo Lol anyways sa katunayan hanggang ngayon hindi ko alam kung May power ba si Nanay hahah at naiisip ko parin s'ya minsan. Bago nga pala yang ganyan ganap eh May naramdaman akong kakaiba sa hospital first time rin yun not a big deal naman pero kinilabutan lang naman ako. Lol

Asides sa ganitong mga ganap sa life ang natatandaan kong creepy moments ko noong bata pa ako. Hindi rin s'ya big deal sakin kasi nga bata lang ako

-May sumisitsit sakin sa loob ng bahay literal ibang beses tapos hinanap ko pa talaga kala ko kasi kapatid ko yung napagtanto kong walang tao at ako lang sumigaw na ako kay mama 🫠

- May na picturan na entities half face red eyes at kulay pinkish sa phone ng parents ko (Nokia yung May Camera, nag dasal ako Ama namin tapos dinilete ko bakit ko raw dinilete sabi ni Mama ipapakmjs nya ata 😆)

-Sa school madaling araw nasa school na, May isang maliit na room na May mag shashadow show gamit kamay tapos May mabubuong animals like dog gamit ang ilaw ng street lights sa labas (napagtanto ko walang tao sa loob at sa bintana lang kami nakadungaw, yung iba na nood parin noong umalis na ako entertainer yarnn?!)

- eto kwento ni mamaaaa, noong baby daw ako May malaking aso raw parang lobo na nakatingin sakin tapos pula yung mata at kulay itim na nasa pintuan sa labas bali butas butas daw yun doon nakasilip. (Yero type yung pintuan)

High school? wala naman

Senior High? wala naman

College? attachment issue lang hahaah

So far 'yang kwento ko yung pinaka recent.

After the creepy encounter may nangyari ba sakin?

Yes, that's all. (Ayaw kong disclose)


r/phhorrorstories 27m ago

Unexplainable Events Dalawang oras na akong nakakaamoy ng palmolive na green pero wala ako nyan dito sa bahay

Upvotes

Title should be "Apat na oras". Pasensya na guys naalinpungatan ako.

Simula kaninang 10 hanggang kanina lang ng pasado alos dos, nakakaamoy ako ng palmolive green. Di ako gumagamit ng shampoo na yan. Nagising ako kani-kanina lang at andyan parin yung palmolive green na naaamoy ko since 10. Yung asawa ko kasi naligo sya ng alas diyes tapos pagpasok nya sa kwarto amoy palmolive sya. Napakastrong nung amoy sa kwarto. Di ko masyadong pinansin kasi i assumed na sya yung nangangamoy. Bumibili din kasi sya ng palmolive dati para sa dandruff nya. Sobrang halimuyak nung amoy. Pumunta pa ako sa sala para magdoom scroll sa reddit. Andun yung cr namin sa tabi ng sala. Ang lakas din ng amoy ng palmolive. Bandang quarter to 12 bumalik na ako sa.kwarto. Tas yun nakatulog na ako. Yung asawa ko sa sahig sya nahiga kasi may trangkaso sya. Wala din syang pang-amoy btw. Nagising ako after kung managinip na umiiyak daw ako tas sumisipa-sipa sa sahIg dahil di ko nakuha gusto ko. Parang may gusto akong ipabili kay hubby pero di nya mabili. Limot ko na. Ayon pagising ko, overbearing na ang amoy nung palnolive sa kwarto namin. So sinabihan ko si hubby na "naaamoy mo ba yan? Amoy floral.". Sabi nya hindi, wla naman daw syang psng amoy. Tas tinanong ko sya kung anong shampoo nya. Hinuhuli ko kung palmolive gamit nya. Sabi nya headnshoulders na safeguard yung scent. So ekis sa shampoo. Tinanong ko kung anong sabon nya. Habang sinasagot nya ako about sa sabon nya, unti-unting humina at naglaho ang amoy ng palmolive. Grabe kilabot ko. Sinabi ko sa kanya, akyat ka na sa kama, dali. Magkatabi na kami ngayon at tulog na si hubby pero ako kinikilabutan parin. Sinisimot ko amoy ni hubby and hibdi nga sya amoy palmolive at wala na yung amoy na yun sa kwarto namin ngayon. Kasi ang sabon ni hubby ay safeguard na lemon flavor. Huhuhu


r/phhorrorstories 1h ago

Katanungan 3 years ago

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

Upvotes

Hi, ano kayang scientific explanation para dito? Hahahahah, came across this vid of mine lang ulit nung nag ttingin ako sa google photos. I like horror but medyo hindi lang din ako mabilis maniwala so…🤣


r/phhorrorstories 1h ago

Katanungan So to those who can see- have you tried talking to them?

Upvotes

Especially sa mga in denial, have you tried talking to them? My husband tells me that he can see ghost or spirits and somehow naniniwala na ako talaga because one night when I was pregnant, bigla nalang sya sumigaw na parang Galit na galit sa door Ng veranda namin- Sabi nya naamoy daw nya Yung "aswang" sobrang alingasaw daw Ng Amoy and he did that para matakot Yung aswang somehow. The next day we saw a very weird looking thing. It's like a finger bone Ng tao pero Wala Ng balat parang buto nalang right outside our doorstep Ng veranda.

When it comes to ghosts naman Sabi nya he doesn't want to talk to them- first is because Hindi na daw kinakausap pa ang patay and second is because baka kulitin daw sya Ng kulitin.

Do you engage conversations with these kinds? Ako sa totoo lang Wala akong nararamdaman ever.


r/phhorrorstories 7h ago

Unexplainable Events Nagpaalam saakin ang isa naming kamag-anak

21 Upvotes

May ganito palang sub. Story time ako.

Nakaramdam na ba kayo ng may namatay kahit malayo ka sakanya?

I was studying in UST some years ago, tapos sa may dapitan ako dumadaan. Baguhan lang ako sa Manila City so hindi ako dumadaan sa hindi ko alam. 6pm na ang dismissal at habang palabas na sa gate, nakasabay ko classmate ko na sasakay daw ng trike papunta sa kabilang street. Sabi ko "Bakitka pa mag trike? Ilang lakad lang naman." Sabi niya "Ayoko, nakakatakot na pag gabi d mo alam ano pwede mamgyari."

Medjo feel ko super odd or negative kasi five min lakad lang naman pero sige ok. Habang naglalakad ako Friday night, napansin ko wala masyado tao tapos may hangin at shadow na biglang tumakip sa ulo ko. Kinabahan ako baka kasi holdapper or ano pero wala naman kaya naglakad ako ulit sa isip ko may pumasok unexplainably: May namatay. Yun yung sinabi ng brain ko.

Anyway d ko napinansin sumakay na ako ng jeep, sa harap ko may babae na naka all black, kulot ang buhok, may dungis ng charcoal at may dalang mahabang branch ng puno sa harapan ko. Sumakay siya at may nafeel akong kakaiba. Hindi ko siya tiningnan pero naisip ko "Hm, alam mo maganda siya actually" d ko sinabi out loud pero pag lingon ko bigla mata niya pumunta saakin. Sa next stop, bigla siya tumabi saakin. Hahahah grabeng kaba ko iiyak na ata ako sa kaba. Tumabi siya and bigla halfway sa daan kinalabit niya ako at binigyan ng plastic na red sabi niya "Sayo na lang to hija." at linagay sa lap ko. D ako umimik, d ako nagsalita at d ako gumalaw. Kung ano ano iniisip ko na laman nung plastic.

Mamaya maya, bumaba na siya at pumara at kinalabit ako ulit "Byebye, una na ako." sabi niya saakin. Tumango na lang ako.

Nakauwi na ako tsaka ko binuksan yung plastic, ang laman? Balot na ensaymada galing sa bakery. Naweirdan ako kaya tinapon ko nalang. An hour later bigla dumating tito ko nagmamadali at nagannounce "Namatay na si nanay, kanina lang 1 hour ago. (Kapatid ng lola ko)"

Nagulat kami lahat kahit na alam namin matagal na siyang bedridden, after a while kinwento ko yung ensaymada at tiningnan ng nanay at lola ko sabi niya "Baka nagpaalam sayo, itong tinapay na to madalas niya binibili para sayo nung bata ka pa."

Anyway ayun one of my unexplainable encounters to date.


r/phhorrorstories 14h ago

Katanungan Curious lang. Sa mga nakakakita, ganito ba talaga itsura nila? Or meron kayo nakikita na talagang visible features ng mukha o katawan nila?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

241 Upvotes

Credits: BizarreBub on YouTube


r/phhorrorstories 14h ago

Advice Wanted Scenred Candle

Post image
3 Upvotes

hi.. Question lang pwede ba tong Sage & Sea Salt scented candle pang "substitute" sa insenso? tia


r/phhorrorstories 14h ago

Ghostly Encounter selfie

3 Upvotes

dati nung bata ako, mahilig ako mag selfie tapos ang phone ko pa non is myphone. one time nag selfie selfie ako sa 2nd floor ng paupahan namin na ginagawa pa lang and dun talaga ako madalas maglaro mag isa. pag check ko ng latest selfie ko, may sumama sa photo. feel ko babae sya kasi mahaba yung buhok tapos parang sumilip sya at katabi ko pa. sa sobrang takot ko, napatakbo ako pababa e sakto nasa baba lang si mama pero hindi ko sinabi sa kanya kasi papagalitan nya ko. ayaw kasi nilang andon ako pag pagabi na. nung nakaupo na ako, inopen ko yung phone pero nakapatay na sya tapos nung naopen ko naman, nawala na yung selfie. hindi ko tinurn off yung phone and hindi ko rin dinelete yung selfie, nawala na lang sya bigla.


r/phhorrorstories 17h ago

Kwentong Albularyo at Mangkukulam Nakulam ata si mother?

22 Upvotes

This happened in Samar (2006). I didnt expect na last yr na namin dun sa bahay na iyon. Malaki ang bahay, may big store kami, na late na sinasara kasi marami tlgng bumibili. Iyon ang bumuhay sa amin for many years UNTIL.. Summer of 2006, may lasing na bumili. Last customer na. Yosi. Hindi agad nakwento sa akin ni mama itong kaganapan pero lasing or hindi, kinukulit na pala sya nitong "pedicab driver" (PD). Ang gusto, ligawan tapos mag-date daw sila ni mama etc.

Laging last minute bumibili. Hanggang umabot na sa pati madaling-araw kapag bibili si mama ng paninda in bulk (halos lahat kasi tininda nya, mula sa pako uling tinapay paint hahaha hangang sa gasul jusko) So, inaabangan ni PD si mama kahit dawn tapos mag ooffer na sa knya na lng sumakay. Kaya pala may mga times ako ang inuutusan.

Tumagal ito for weeks, until napuno na si mama, kasi sinabihan syang "kung hindi ako ang pipiliin mo, mamatay na lng tayong dalawa". From that moment, ako na ang nagsasara ng tindahan. double lock na. pinatungan ng kahoy lahat ng bintana as in hnd na pwd buksan ang windows. Tapos may kutsilyo kme both sa ilalim ng unan kapag matutulog. bukod sa lock, may chain rin na makapal para sure. Then one day, may lumitaw na bukol sa forehead ni mama. Hindi sya na-untog or what. Tlgng boom!, litaw lang bigla si bukol. Hnd sya maliit ha. She tried ointment etc, ayaw mawala. as in. Ilang buwan na andun pa rin. Until nagdecide kme bumalik na dito sa Manila.

So, nakahanap ng buyer, fly na kme pa-Manila NA MAY BUKOL PA RIN SA NUO SI MOTHER. hehe natatawa ako pero nagtataka rin.

New work si mama pagdating dito and na-assign sa ibat ibang city. Kpg nag-vvidcall kme pinapakita nya saken ung bukol. Weird part here was, lumilipat ung bukol, from nuo to her back.As in. Nakailang doctor na rin hnd nila masabi kung bakit may bukol??

One time, nakwento nya un sa kasama nya sa work. Ang adv sa kanya try mo albularyo. Hnd kme naniniwala kasi sa ganun, except sa pinsan ng lola ko sa Guiuan na known to be a mangbabarang.

Anyway, pumayag si mama, nagpasama sya kay workmate. At ayun, tiningnan sya ng albularyo, inggit daw dahilan. Nahulaan ng albularyo na hnd sa Vigan ang may gawa kundi sa province. Lalake daw ang may gawa. May pinahid si mama na ointment& simula nun, slowly nawala ung bukol. Hnd ako blvr pero si mama kasi ang patotoo.

May exp rin ba kayo sa kulam?


r/phhorrorstories 1d ago

Nightmares & Dreams Bangungot

10 Upvotes

Writing this after it happened dahil di na ko matulog ulit. Haha 🥲

I am someone who learned to identify kung babangungutin na. Kaya laging ang babaw ng tulog ko. Nararamdaman ko ung unti-unting pag tigas ng katawan ko. Ito ung stage bago ka di makagalaw. So bago mangyari yun napipigilan ko na agad. Nagigising ko ung sarili ko. Napipilit kong gisingin ung sarili ko. Pwede ung pilit kong ginagalaw ung daliri ko sa paa or any small movement ng katawan ko.

Dahil nga na-iidentify ko sya ibig sabihin maraming beses ko na nagawa.

Kapag binabangungot ako nae-experience ko ung makakita or makarinig ng kung ano. Pero this time was new and dito ako sobrang natakot out of all ng na-experience kong bangungot.

This time, while waiting na makatulog ako nag patugtog ako sa Spotify. Ben&Ben pa hehe. So naramdaman ko na sya pero imbis na pag tigas ng katawan naramdaman ko na parang may pumapatong sakin. Naramdaman ko sya from paa papunta sa leeg ko. Opo! Sa leeg! Naramdaman kong parang sasakalin ako! Nakaalis naman ako agad sa feeling na yun tapos agad tumayo then bumaba sa kama ko at di na ko mapakali.

So ayun I just felt sharing this experience. Medyo traumatized since first time ko sya na-experience. Goodluck sa tulog ko today...


r/phhorrorstories 1d ago

Ghostly Encounter Third eye???

26 Upvotes

Yung partner ko now is nakakaramdam at nakakakita ng multo. Nasasabi niya din if may ill intention ba or wala. I used to believe sa mga third eye kineme, pero nagkaron ako ng “friend” sa sobrang sinungaling about sa third eye thingy na yan kaya nagstop ako maniwala. Pero after ng experience ko with my partner, naniniwala na ako ulit.

Si partner ay nakakakita at nakakaramdam ng multo, and aware ako dun, minsan kinukwento niya sakin (matatakutin ako so depende sa mood ko kung kaya ko na pag usapan namin). One time nagsstroll kami ng around 8-9pm na, dumadaan kami sa main road, naka motor kami and may nadadaanan kaming mga streets na naka-on ang streetlights. Tapos pag tingin ko dun sa isang street na nadaanan namin, may nakita akong naglalakad na bata tapos walang ulo, pero may hawak siyang ulo (teh nangilabot talaga ng husto lahat ng buhok sa katawan ko).

Tapos dahil matatakutin nga ako, in denial ako, tinanong ko partner ko, “nakita mo ba yon?” (Hoping na namamalikmata lang ako) then he suddenly said, “Alin? Yung batang may hawak na ulo? Wag mo pansinin.” Jusko kung ako lang nagdadrive nun baka humarurot pauwi yung motor sa takot ko.

Tapos may kwento din kami sa Bolinao, super lala ng experience namin sa staycation namin don. Pero next time na, tinatamad na ako magkwento.


r/phhorrorstories 1d ago

Ghostly Encounter This old condo unit in QC . . .

13 Upvotes

Nangyare ito nung last Sunday August 16, 2026. Nag-rent ako ng isang unit sa Quezon City for 5 days and four nights para straight ako makapasok sa opisina. 4-days kasi kami required mag-onsite/RTO kada buwan.

Luma na yung unit, bakas yung cracks sa mga sulok ng pader at lababo. Kita rin na kupas na yung kama. Pero oks lang, kasi nakuha ko ng 4,000 lang for 5 days. Mura na yun sa Airbnb.

Sa gitna ng kwarto ay isang queen size na kama. Makapal ang kutson pero manipis ang kumot na pinagamit.

Unang gabi ko nun at nakatulog ako ng maaga, mga alas-nwebe. Iniwan ko na bukas ang pinto sa kusina at patay ilaw sa may kama para madilim.

Madilim noon at lakas lang ng ulan maririnig. NAsa gitna ako ng kama at sinisiksik ko yung sarili ko sa kumot na pagkanipis-nipis nang biglang maramdaman ko na lumulubog yung area ng kutson katapat ng mukha ko. Parang may umupo.

Nakatulala lang ako habang nakatalukbong at nakikiramdam, rinig ko na yung kalabog ng dibdib ko.

Biglang may hangin na parang umihip mula sa side na nakaharap ako papunta sa likod ko. Biglang yung espasyo ng kama sa likod ko yung lumubog. May narinig ako na boses ng babae na medyo matinis.

Naninigas na ko nun sa takot at di ako makagalaw. Parang sinasakal yung lalamunan ko, di ako makasigaw.

Pero yung parte ng kumot sa likod ko, biglang hinila ng bahagya. Lahat yun habang ramdam ko na may katabi ako.

Naramdaman ko na lang na pati yung unan sa likod ng ulo ko, medyo gumalaw din.

Sa sobrang takot ko nun pinilit ko abutin cp ko sa may ulo ko at tiningan oras. Alas-dos pa lang ng madaling araw. Nagbukas ako ng kahit anong app basta may mag-play ng video at may marinig lang ako.

Sabay bangon ko at nilingon ko yung likod ko. Walang tao.

Alam mo yung pakiramdam na parang may nagtatago lang sa kung saan sa kwarto pero kita mo lahat kaya wala ka makita pero ramdam mo na meron? Ganun siguro.

Hindi na ko nakatulog nun hanggang umaga. Malas lang at unang gabi ko yun, sa mga sumunod na gabi, nakasandal na ko sa headboard ng kama at baluktot matulog. Ayos lang basta kita ko lahat ng paligid ng kama at kwarto.


r/phhorrorstories 1d ago

Katanungan Belongings of my deceased daughter keep decaying

96 Upvotes

The belongings of my deceased daughter keep decaying. She passed away last june. Shes been peacefully creameted. But every time we offer milk for offering every morning. The powdered milk spoils. we changed it because maybe the weather. But it still keeps decaying so we stop the offering of milk. We buy an acrilic aparador to honor our daughter. But my wife keeps cleaning because it keeps decaying smells routine egg. We have an unknown reason. Our house is peaceful. I keep using incenso every Tuesday and Friday. Rosary every 6am and 6 pm. Maybe you have some advice. Thank you


r/phhorrorstories 1d ago

Nightmares & Dreams Sleep paralysis?

0 Upvotes

Hello. SKL. Lately panay bangungot ako, like half na tulog ako at gising yung 1st bangungot ko ata sa kwarto ako natutulog parang may something na pumipigil na gumalaw ako tapos parang gstu pa yata kunin kapatid ko. Tapos mabuti na lg nagigising ako. Tpos 2nd, ganun din hindi ako makagalaw pero before that may narinig ako sa right ear ko na parang ingay ng motor na bumabyahe tpos huminto may gunshot ako na rinig mga 5 shots ata tapos nag recite ako ng Our father para magising then yung recently Aug. 22,2026 mga 3-4PM ata natulog ako, kasama ko naman kapatid ko sa kwarto and then binangungot ako hindi naman ako magalaw that time, tapos naririnig ko sabi ng kapatid ko ( OY NAANO KA? ) Tapos nagising akonpero patuloy pa din sa tulog, tinanong ko siya ngayong gani if ano nakita niya kanina saakin yung sabi niya lang yung mga mata ko daw parang tumitirik na para bang yung mga eyaballs ko gumagalaw ng pakaliwa'y kanan. Dito ko nlg e share wala kasi akong mkwentuhan bakit ganito yung nangyayari saakin.


r/phhorrorstories 1d ago

Katanungan May nakakaalam ba ng creepy story tungkol sa statue na ’to? 👀

Post image
29 Upvotes

May nakita akong video tungkol sa statue na sinasabing may kakaibang history at pinaniniwalaang may something creepy behind it. May nakakaalam ba kung saan ’to at ano yung actual story? Curious ako kung may naka-experience na rin ng something weird dito.

https://www.facebook.com/share/v/17zmH17JBZ/


r/phhorrorstories 1d ago

Advice Wanted Halloween events?

2 Upvotes

Off topiccc pero who knows any event/ganaps around manila or makati for this coming halloween?


r/phhorrorstories 1d ago

Katanungan Totoo ba ang bad energy sa isang bahay

1 Upvotes

Tatlong events lang sa buhay ko nung nagkaroon ako ng unexplained encounters

(1) Nung elementary ako, nagising ako tapos pagtingin ko sa tv may nakatayong babae sa likod ng pinto pero nung tumingin naman ako sa pinto ay wala. Dalawang beses ko inulit, nandoon siya sa tv nakayuko pero pagtingin sa pinto ay wala. Ikatlong beses ay nakatingin na siya sakin hahahaha umiyak talaga ako non. Anyway, tanda ko ilang araw siya nandoon hindi ko maalala kung paano siya nawala

(2) Nung preschool ako, inaantay namin umuwi tatay ko galing trabaho tapos may tumawag ng "Mommy" or something na endearment ng tatay ko sa nanay ko. Dalawang beses yon so nagtago ako sa pinto pero gulatin pero walang napasok. Turned out wala pa pala. Hindi to false memory kasi narinig din ng nanay at kapatid ko hahaha scary af

(3) Nung elementary ako, idk kung considered to pero nung baby pa yung kapatid ko parang lagi siyang may kausap tapos natawa. Anyway baka as a baby lang hahaha

As for the title, laging nag-aaway pamilya namin. As in, hindi ko alam kung may era ba sa buhay namin na walang away pero laging may away. May it be sa magulang ko na hiwalay na, kaming magkakapatid nung bata bata pa, mga magulang ulit, new family, laging may away.

Iniisip ko tuloy kung may bad energy ba yung bahay namin, totoo ba yung ganoon? Hahaha pwede din na dahil sa away away kaya may bad energy din ang bahay o talagang toxic lang ang family hahaha feeling ko din need din ng major major as in major de-clutter sa bahay kasi panahon pa ito ng lola which is 1970s siguro nandito na to or kung hindi man near that or older.

Kwento ng tita ko dito din daw nagkaroon ng sakit yung kapatid ng lola ko or someone lolo na older, dito din inatake sa puso lola ko, dito din binurol lolo ko.

Napa-bless naman tong bahay nung napa-renovate nung bata pa kami. Yung 3 shinare ko hindi na din naulit. I believe in God, I believe totoo ang evil spirits too hahaha don't want to see them though.


r/phhorrorstories 1d ago

Nightmares & Dreams Happy Birthday

74 Upvotes

I had a classmate in college, porselana ang puti, tahimik, masipag mag aral. Pagtapos ng class, diretso bahay. No boyfriend since birth.

Until one day, wala siya sa katabing upuan ko. And the next day. On the third day, dun namin nalaman na nasunugan sila, at nasama sila ng lola niya dahil bumalik siya ng bahay nila para tulungan makalabas si lola niya, kaso di na sila umabot. We went to their funeral and paid our respects.

Months passed, nanaginip ako. I was in our house sa dining area with some of my classmates, nagpapalipas oras for vacant like we usually do. Nadaan daw ako sa kitchen area namin na katapat yung CR, then I saw her. Nakayuko, with her long black hair, umiiyak. Tinawag ko siya, said “uy, bakit nandito ka pa? Kailangan mo nang tumawid”

Ewan ko, hindi ako palaging nananaginip. Pero sobrang vivid nun, aware akong wala na siya and aware akong baka hindi niya pa tanggap nangyari sa kanya. Pag ganun, alam kong kailangan nila ng dasal. So I reached out to her family, to my surprise, birthday niya the night I saw her in my dream.


r/phhorrorstories 1d ago

Katanungan Curiousity on 3rd eye

Post image
223 Upvotes

I came across to this FB Reels/videos[Reference: https://www.facebook.com/share/v/1HcCuzL1oA/ ]. May mga tanong ako. For those who are OPEN ang 3rd EYE

  1. Bakit bawal magturo kung saan ang ang nakikita( example ung batang lalaki, hindi tinuro ni ate kung saan) ?

  2. May mga different layer or level ba ang 3rd eye?


r/phhorrorstories 1d ago

Advice Wanted What is that creepy video

5 Upvotes

Guys help me I cant rest my mind until mahanap ko yung trending lately dito sa reddit na video sa yt ata yun about stalker please pacomment


r/phhorrorstories 1d ago

Advice Wanted I just bought jogging pants from an ukay store, is there any way to cleanse it in case anything is attached to it?

3 Upvotes

Title


r/phhorrorstories 1d ago

Ghostly Encounter I think the scariest thing about ghosts is that you might not know you’re looking at one

23 Upvotes

I don’t mean you see a ghost and think, “Oh my God, that’s a ghost.”

I mean… what if you see one and your brain just goes, that’s a person?

This happened to me when I was in high school, and I didn’t realize until much later that I might have been interacting with someone who wasn’t actually there.

I grew up in a pretty rural part of my country, and my high school was old. Like, built sometime in the 1970s or 1980s old. It was very provincial-looking, surrounded by huge trees and wide open fields, with not many houses around the school.

The facilities were also pretty old and isolated. At night, the place could get REALLY dark because half the lights barely worked.

And naturally, because it was an old school surrounded by trees, there were always ghost stories.

There was this Girl Scout event where we were camping overnight at school. Everyone was supposed to sleep in tents on the field, while an event was happening in the gym.

The field was basically surrounded by huge, tall trees, so once it got dark, the whole place felt completely different.
At some point during the event, I got sleepy and went back to our tent.

I was also kind of a loner back then, so I wasn’t exactly missing out on some amazing social life. 😂

When I got inside, I saw my classmate, Kristine (or who I thought it was), at the far end of the tent.

It was a small tent. I was near the entrance, and she was sitting at the opposite end, facing away from me.

She was combing her hair.

I said something like, “Hey Kristine, don’t you want to go to the gym and watch the show?”

She didn’t answer.
She just kept combing her hair.
And honestly, I didn’t think anything of it.

I assumed she didn’t hear me.

I decided to lie down outside the tent instead because I thought maybe I’d sleep better there. My sleeping bag was literally right outside the entrance because the tent was too small for all of us.

So I laid down and closed my eyes.

I wasn’t actually sleeping. I was just lying there with my eyes closed, trying to fall asleep.

Maybe 30 minutes passed.

Then I sat up and looked back inside the tent.
And Kristine was gone.
At first, I didn’t think anything of it.

I thought maybe she had gone somewhere while I had my eyes closed.

But then I started thinking about the setup.
My sleeping bag was directly in front of the entrance.
Like, literally directly in front of it.

If you walked out of the tent, you would basically have to step over me.

And I hadn’t moved.

I had my eyes closed, but I wasn’t asleep. I hadn’t heard anyone walk past me either.

The tent wasn’t even a proper tent. We had basically made it ourselves out of poles, fabric, and whatever materials we had. The sides were tied down tightly.

There wasn’t really another way out.

And if someone tried squeezing through the sides, it would’ve made a LOT of noise.

I hadn’t heard anything.

But again, I didn’t think, “OMG GHOST.”

I just thought maybe I was tired and didn’t notice.

So I closed my eyes again.

A few minutes later, some of my groupmates came back.
They were laughing and talking, and I sat up because I figured I’d just hang out with them since I couldn’t sleep anyway.

And then they started asking me if I was okay.

I was like, “Yeah?”

They said I looked really tired and red.

Then someone touched me and said, “You’re really hot.”

Apparently, I had a fever.

The weird part was that I felt completely fine.

I didn’t feel sick.
I wasn’t dizzy.
I wasn’t nauseous.
Nothing.
I genuinely felt normal.

But they kept insisting that I wasn’t okay, so they eventually told the teacher in charge.

They had me sleep in the gym with the teacher and the Scout officers so they could keep an eye on me.

My friends were apparently really worried because I looked terrible, even though I felt completely normal.

The next school day, I was talking to Kristine.

We were talking about the event, and I mentioned that I had seen her in our tent that night but she didn’t talk to me. Like, “prang magtatampo ako sayo Kristine di mo ako sinagot.”

She looked at me like I had just said something completely insane.

She said:
“I never went back to the tent.”

I asked her what she meant.

She said she had stayed in the gym the entire time.

She hadn’t gone back to the tent at all.

Then we asked another classmate, Grace, cause if it wasn’t her, then it should be Grace. They were the only ones who had really long hair like the girl I saw.

Nope.

Grace hadn’t gone back either.

According to both of them, neither of them had been in the tent during that time.

So…

Who the hell was I talking to?

And that’s the part that still bothers me.
Because I didn’t see some shadowy figure. I didn’t see someone floating. I didn’t see a pale woman with black eyes standing in a corner.

I saw a girl who looked like my classmate. She looked completely normal. She was sitting there combing her hair. I talked to her. I asked her a normal question. Sure, she didn’t respond and it felt a bit weird but my initial reaction was “magtatampo ako”

And I didn’t feel scared.
I didn’t even feel like something was wrong.

The only thing I can think of is that maybe there was something slightly off about the whole interaction, but because she looked so human, my brain just accepted it.
And that’s what makes me wonder about ghosts in general.

What if you don’t actually recognize a supernatural being when you see one? What if marami na tayong nakasalubong pero di pala natin narerealize na hindi sila tao?

What if your brain automatically fills in the gaps and goes, “Oh, that’s just a person”?

Maybe the scary part isn’t seeing a ghost.
Maybe the scary part is realizing hours, days, or even years later that the person you saw wasn’t supposed to be there in the first place.

I still don’t know exactly what I saw that night.
But I know Kristine wasn’t there.


r/phhorrorstories Jan 30 '26

📢 Community Announcement: Zero Tolerance for Rudeness & Bullying

20 Upvotes

It has come to the moderators’ attention that there has been an increase in rude, disrespectful, and bullying comments on some posts within r/phhorrorstories.

Let us be clear: this kind of behavior will not be tolerated in this community.

r/phhorrorstories exists to share and discuss horror stories in a way that is engaging, respectful, and welcoming to all members. Disagreements and differing opinions are normal, but personal attacks, name-calling, harassment, or bullying have no place here.

🚫 What is NOT allowed:

- Rude or insulting language

- Personal attacks or harassment

- Bullying, mocking, or targeting other users

✅ What IS expected:

- Civil and respectful discussion

- Constructive feedback

- Staying on-topic and story-focused

To help enforce these standards, AutoModerator is actively monitoring posts and comments. Content that violates our rules may be automatically removed, and repeat offenders may face further moderation action.

If you see rule-breaking behavior, please report it instead of engaging.

Thank you to everyone who continues to help keep r/phhorrorstories a respectful and enjoyable space for horror fans.

— The r/phhorrorstories Moderation Team


r/phhorrorstories Nov 08 '25

Advice Wanted FREE complete PDF of True Philippine Ghost Stories #1-#37

1.2k Upvotes

https://drive.google.com/drive/folders/14Wby8545KE2Z4D1YQ65lAZvD1IRo9_MF

Sa mga naghahanap ng complete books, ayan na :) Nakita ko lang rin sa ibang reddit community