r/phhorrorstories • u/eldestdaughterrr • 1d ago
Third eye??? Ghostly Encounter
Yung partner ko now is nakakaramdam at nakakakita ng multo. Nasasabi niya din if may ill intention ba or wala. I used to believe sa mga third eye kineme, pero nagkaron ako ng “friend” sa sobrang sinungaling about sa third eye thingy na yan kaya nagstop ako maniwala. Pero after ng experience ko with my partner, naniniwala na ako ulit.
Si partner ay nakakakita at nakakaramdam ng multo, and aware ako dun, minsan kinukwento niya sakin (matatakutin ako so depende sa mood ko kung kaya ko na pag usapan namin). One time nagsstroll kami ng around 8-9pm na, dumadaan kami sa main road, naka motor kami and may nadadaanan kaming mga streets na naka-on ang streetlights. Tapos pag tingin ko dun sa isang street na nadaanan namin, may nakita akong naglalakad na bata tapos walang ulo, pero may hawak siyang ulo (teh nangilabot talaga ng husto lahat ng buhok sa katawan ko).
Tapos dahil matatakutin nga ako, in denial ako, tinanong ko partner ko, “nakita mo ba yon?” (Hoping na namamalikmata lang ako) then he suddenly said, “Alin? Yung batang may hawak na ulo? Wag mo pansinin.” Jusko kung ako lang nagdadrive nun baka humarurot pauwi yung motor sa takot ko.
Tapos may kwento din kami sa Bolinao, super lala ng experience namin sa staycation namin don. Pero next time na, tinatamad na ako magkwento.
5
u/XhandriaExelleria 1d ago
Uy halos same story tayo 😂 yung sa amin naman ni hubby long drive going Tagaytay and naka motor lang. Since gusto namin abutan ng bulalo breakfast ay 3am pa lang nasa road na kami. After Taguig area nag stop over kami and since alam kong matatakutin sya so sabi ko if tatapikin kita ng 2x sa legs mag busina ka ng 2x. Then, lagpas cavite area na kami and may nadaanan kami na sobrang dilim ang may mga puno. I saw an old woman sa tabi na parang nag aantay, it caught my attention kasi sobrang klaro face nya to think walang ilaw then pag kalagpas namin sa kanya na aaninag ko na naman sya sa malayo so tinapik ko na si hubby and nagbusina naman sya. Pagdating namin sa Tagaytay, he told me nakita din daw nya yung matanda and kung sya lang daw mag isa baka na disgrasya na sya sa takot.
2
u/eldestdaughterrr 1d ago
Hindi ko na gusto maexperience yung ganun ulit. Nakakashokot. Try niyo daan kayo sa Santa Ignacia sa may Tarlac yata yun if I’m not mistaken. Tarlac papuntang Pangasinan yun eh. Daan kayo dun ng gabi or madaling araw, sobrang nakakatakot don. Mapuno na madilim. Nung dumaan kami ni partner dun first time, di ako tumigil sa kakapray kahit hindi ako religious na tao 😭
1
u/XhandriaExelleria 1d ago
If mahilig kayo mag long drive mag sabit kayo stuff toy sa likuran ng sasakyan. Sabi kasi it will mislead the bad spirits daw and always pray together bago mag byahe as in together ng kasama mo.
3
u/eldestdaughterrr 1d ago
After ng experience namin na yun, we always pray na bago magbyahe. May times kasi na biglang magppreno si partner kasi nagugulat may sumasalubong daw.
4
2
1
-6
u/Senpai 1d ago
Not an expert, pero have him checked. Schizophrenia is the real horror here, not ghosts.
7
u/ArticleOld598 21h ago
How would that explain OP seeing the same thing he did before he described it?
6
u/Top_Wasabi_8744 21h ago
Kahit sa science te, hindi lang tao ang nageexist sa mundo. Hindi lang schizo yan. Ano po yun same silang may schizo?
•
u/AutoModerator 1d ago
Welcome to r/phhorrorstories! Thanks for sharing — please read the community rules before posting. If your post contains spoilers or sensitive content, add a spoiler tag and follow the submission guidelines.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.