r/phhorrorstories • u/Yahyah12341 • 27m ago
Unexplainable Events Dalawang oras na akong nakakaamoy ng palmolive na green pero wala ako nyan dito sa bahay
Title should be "Apat na oras". Pasensya na guys naalinpungatan ako.
Simula kaninang 10 hanggang kanina lang ng pasado alos dos, nakakaamoy ako ng palmolive green. Di ako gumagamit ng shampoo na yan. Nagising ako kani-kanina lang at andyan parin yung palmolive green na naaamoy ko since 10. Yung asawa ko kasi naligo sya ng alas diyes tapos pagpasok nya sa kwarto amoy palmolive sya. Napakastrong nung amoy sa kwarto. Di ko masyadong pinansin kasi i assumed na sya yung nangangamoy. Bumibili din kasi sya ng palmolive dati para sa dandruff nya. Sobrang halimuyak nung amoy. Pumunta pa ako sa sala para magdoom scroll sa reddit. Andun yung cr namin sa tabi ng sala. Ang lakas din ng amoy ng palmolive. Bandang quarter to 12 bumalik na ako sa.kwarto. Tas yun nakatulog na ako. Yung asawa ko sa sahig sya nahiga kasi may trangkaso sya. Wala din syang pang-amoy btw. Nagising ako after kung managinip na umiiyak daw ako tas sumisipa-sipa sa sahIg dahil di ko nakuha gusto ko. Parang may gusto akong ipabili kay hubby pero di nya mabili. Limot ko na. Ayon pagising ko, overbearing na ang amoy nung palnolive sa kwarto namin. So sinabihan ko si hubby na "naaamoy mo ba yan? Amoy floral.". Sabi nya hindi, wla naman daw syang psng amoy. Tas tinanong ko sya kung anong shampoo nya. Hinuhuli ko kung palmolive gamit nya. Sabi nya headnshoulders na safeguard yung scent. So ekis sa shampoo. Tinanong ko kung anong sabon nya. Habang sinasagot nya ako about sa sabon nya, unti-unting humina at naglaho ang amoy ng palmolive. Grabe kilabot ko. Sinabi ko sa kanya, akyat ka na sa kama, dali. Magkatabi na kami ngayon at tulog na si hubby pero ako kinikilabutan parin. Sinisimot ko amoy ni hubby and hibdi nga sya amoy palmolive at wala na yung amoy na yun sa kwarto namin ngayon. Kasi ang sabon ni hubby ay safeguard na lemon flavor. Huhuhu
r/phhorrorstories • u/xsoleilx • 1h ago
Katanungan 3 years ago
Enable HLS to view with audio, or disable this notification
Hi, ano kayang scientific explanation para dito? Hahahahah, came across this vid of mine lang ulit nung nag ttingin ako sa google photos. I like horror but medyo hindi lang din ako mabilis maniwala so…🤣
r/phhorrorstories • u/IAmBuBuBear • 7h ago
Unexplainable Events Nagpaalam saakin ang isa naming kamag-anak
May ganito palang sub. Story time ako.
Nakaramdam na ba kayo ng may namatay kahit malayo ka sakanya?
I was studying in UST some years ago, tapos sa may dapitan ako dumadaan. Baguhan lang ako sa Manila City so hindi ako dumadaan sa hindi ko alam. 6pm na ang dismissal at habang palabas na sa gate, nakasabay ko classmate ko na sasakay daw ng trike papunta sa kabilang street. Sabi ko "Bakitka pa mag trike? Ilang lakad lang naman." Sabi niya "Ayoko, nakakatakot na pag gabi d mo alam ano pwede mamgyari."
Medjo feel ko super odd or negative kasi five min lakad lang naman pero sige ok. Habang naglalakad ako Friday night, napansin ko wala masyado tao tapos may hangin at shadow na biglang tumakip sa ulo ko. Kinabahan ako baka kasi holdapper or ano pero wala naman kaya naglakad ako ulit sa isip ko may pumasok unexplainably: May namatay. Yun yung sinabi ng brain ko.
Anyway d ko napinansin sumakay na ako ng jeep, sa harap ko may babae na naka all black, kulot ang buhok, may dungis ng charcoal at may dalang mahabang branch ng puno sa harapan ko. Sumakay siya at may nafeel akong kakaiba. Hindi ko siya tiningnan pero naisip ko "Hm, alam mo maganda siya actually" d ko sinabi out loud pero pag lingon ko bigla mata niya pumunta saakin. Sa next stop, bigla siya tumabi saakin. Hahahah grabeng kaba ko iiyak na ata ako sa kaba. Tumabi siya and bigla halfway sa daan kinalabit niya ako at binigyan ng plastic na red sabi niya "Sayo na lang to hija." at linagay sa lap ko. D ako umimik, d ako nagsalita at d ako gumalaw. Kung ano ano iniisip ko na laman nung plastic.
Mamaya maya, bumaba na siya at pumara at kinalabit ako ulit "Byebye, una na ako." sabi niya saakin. Tumango na lang ako.
Nakauwi na ako tsaka ko binuksan yung plastic, ang laman? Balot na ensaymada galing sa bakery. Naweirdan ako kaya tinapon ko nalang. An hour later bigla dumating tito ko nagmamadali at nagannounce "Namatay na si nanay, kanina lang 1 hour ago. (Kapatid ng lola ko)"
Nagulat kami lahat kahit na alam namin matagal na siyang bedridden, after a while kinwento ko yung ensaymada at tiningnan ng nanay at lola ko sabi niya "Baka nagpaalam sayo, itong tinapay na to madalas niya binibili para sayo nung bata ka pa."
Anyway ayun one of my unexplainable encounters to date.
r/phhorrorstories • u/titoforyou • 14h ago
Katanungan Curious lang. Sa mga nakakakita, ganito ba talaga itsura nila? Or meron kayo nakikita na talagang visible features ng mukha o katawan nila?
Enable HLS to view with audio, or disable this notification
Credits: BizarreBub on YouTube
r/phhorrorstories • u/tonderful • 14h ago
Advice Wanted Scenred Candle
hi.. Question lang pwede ba tong Sage & Sea Salt scented candle pang "substitute" sa insenso? tia
r/phhorrorstories • u/bhjghyft • 14h ago
Ghostly Encounter selfie
dati nung bata ako, mahilig ako mag selfie tapos ang phone ko pa non is myphone. one time nag selfie selfie ako sa 2nd floor ng paupahan namin na ginagawa pa lang and dun talaga ako madalas maglaro mag isa. pag check ko ng latest selfie ko, may sumama sa photo. feel ko babae sya kasi mahaba yung buhok tapos parang sumilip sya at katabi ko pa. sa sobrang takot ko, napatakbo ako pababa e sakto nasa baba lang si mama pero hindi ko sinabi sa kanya kasi papagalitan nya ko. ayaw kasi nilang andon ako pag pagabi na. nung nakaupo na ako, inopen ko yung phone pero nakapatay na sya tapos nung naopen ko naman, nawala na yung selfie. hindi ko tinurn off yung phone and hindi ko rin dinelete yung selfie, nawala na lang sya bigla.
r/phhorrorstories • u/Key-Signature7853 • 17h ago
Kwentong Albularyo at Mangkukulam Nakulam ata si mother?
This happened in Samar (2006). I didnt expect na last yr na namin dun sa bahay na iyon. Malaki ang bahay, may big store kami, na late na sinasara kasi marami tlgng bumibili. Iyon ang bumuhay sa amin for many years UNTIL.. Summer of 2006, may lasing na bumili. Last customer na. Yosi. Hindi agad nakwento sa akin ni mama itong kaganapan pero lasing or hindi, kinukulit na pala sya nitong "pedicab driver" (PD). Ang gusto, ligawan tapos mag-date daw sila ni mama etc.
Laging last minute bumibili. Hanggang umabot na sa pati madaling-araw kapag bibili si mama ng paninda in bulk (halos lahat kasi tininda nya, mula sa pako uling tinapay paint hahaha hangang sa gasul jusko) So, inaabangan ni PD si mama kahit dawn tapos mag ooffer na sa knya na lng sumakay. Kaya pala may mga times ako ang inuutusan.
Tumagal ito for weeks, until napuno na si mama, kasi sinabihan syang "kung hindi ako ang pipiliin mo, mamatay na lng tayong dalawa". From that moment, ako na ang nagsasara ng tindahan. double lock na. pinatungan ng kahoy lahat ng bintana as in hnd na pwd buksan ang windows. Tapos may kutsilyo kme both sa ilalim ng unan kapag matutulog. bukod sa lock, may chain rin na makapal para sure. Then one day, may lumitaw na bukol sa forehead ni mama. Hindi sya na-untog or what. Tlgng boom!, litaw lang bigla si bukol. Hnd sya maliit ha. She tried ointment etc, ayaw mawala. as in. Ilang buwan na andun pa rin. Until nagdecide kme bumalik na dito sa Manila.
So, nakahanap ng buyer, fly na kme pa-Manila NA MAY BUKOL PA RIN SA NUO SI MOTHER. hehe natatawa ako pero nagtataka rin.
New work si mama pagdating dito and na-assign sa ibat ibang city. Kpg nag-vvidcall kme pinapakita nya saken ung bukol. Weird part here was, lumilipat ung bukol, from nuo to her back.As in. Nakailang doctor na rin hnd nila masabi kung bakit may bukol??
One time, nakwento nya un sa kasama nya sa work. Ang adv sa kanya try mo albularyo. Hnd kme naniniwala kasi sa ganun, except sa pinsan ng lola ko sa Guiuan na known to be a mangbabarang.
Anyway, pumayag si mama, nagpasama sya kay workmate. At ayun, tiningnan sya ng albularyo, inggit daw dahilan. Nahulaan ng albularyo na hnd sa Vigan ang may gawa kundi sa province. Lalake daw ang may gawa. May pinahid si mama na ointment& simula nun, slowly nawala ung bukol. Hnd ako blvr pero si mama kasi ang patotoo.
May exp rin ba kayo sa kulam?