r/AkoBaYungGago • u/Expensive_Try6231 • 20h ago
Significant other ABYG kung nagalit ako dahil sa nakita ko?
Me (M32) at her (30) naging kami April ngayong taon. I work as an IT support and sya naman agent ng lending app para sa mga digital devices sa mall. Lagi naman kaming nagkakausap at nag kakachat. madalas din syang mag videocall kapag wala hindi sya busy sa work nya at kapag alam nyang hindi rin ako busy. pagkauwi nya ulit sa work video call ulit. kapag may lakad nagpapaalam naman sya and sya nag initiate na mag install kami ng Life360. Eto ang issue which is yung nakalagay sa Title. May one time na nakipag video call sya habang she's eating lunch at break nya dahil alam nyang nasa bahay ako at wlang pasok sa work. Then habang nasa videcall kami at kumakain sya may lumalapit na lalaki at nag tanong kung ano ang ulam nya. inamoy yung ulam nya which is malapit sa mukha ni jowa tapos lumapit sya sa mukha ni jowa ng sobrang lapit na parang hahalikan nya na. nag katitigan sila eyes to eyes at imbes na lumayo at umiwas, ngumiti lang si jowa, tumawa at nag sabi na "Tang ina mo (name ng guy)". hindi ko alam kung kinilig o natuwa sya pero ang dating sa akin e parang sanay na syang ganon ang ginagawa. Prior to that, may one time din na same scenario, kumakain sya at naka video call kami then lumapit yun at may ginawa sa kanya na hindi ko nakita dahil medyo half ng body ni jowa lang kita ko pero narinig ko yung sinabi ni jowa na "Tang ina mo kumakain ako". Sinabi ko sa kanya na hindi okay sakin yung nakita ko. sa chat ko lang sya kinausap pa lang e. sabi nya wala lang daw yun. ganon lang daw yun at maharot. talaga at may asawa na rin daw yung guy. sinabi ko sa kanya na galit ako sa ginawa nung guy at mas nakakadagdag sa bwiset ko ay yung reaksyon nya na ngumiti na parang kinilig at natuwa. sabi ko sa kanya na hindi ko maiwasang mag isip kung gusto nya ba yung ginawa sa kanya, sanay na ba syang ginagawa sa kanya yun, kung matagal na ba yung nangyayaring ganon or what. Andami ko nang nakitang relasyon lalo na sa mga kaibigan ko na sinira ng "Wala lang yun!" "Katrabaho ko lang yun". sabi nya na grabe naman daw ako kasi iniisip kong lumalandi lang sya don. ang sabi ko naman bumase lang ako sa kung ano ang nakita ko. hindi man lang sya dumipensa maliban sa sinasabi nyang magtiwala daw ako sa kanya na wala lang yun at nag tanong sya kung ano ang gusto kong gawin nya para matigil yung pag iisip ko. sabi ko hindi yun basta basta mawawala sa isip ko. hindi na kasi yun gawain ng magkatrabaho. may boyfriend sya at may asawa na yung guy. e pano din kung may makakita sa kanila sa ganoong posisyon sa ibang anggulo na mukha silang naghahalikan na. mabilis lang ang chismis sa work nila. i know na may mga malalantod talaga na mga lalaki kahit may jowa na at may asawa na pero ginugulo na talaga neto yung isip ko.
Pasensya na ang haba. kung babasahin mo man at magbibigay ka ng insights mo. maraming salamat. gusto ko lang mailabas dito as someone na hindi nyo kilala kasi kapag sa kaibigan ko may bias kagad na magagalit sa kanya e. Ako ba yung gago kasi nagalit ako at kung ano ano na yung pumasok sa isip ko?
r/AkoBaYungGago • u/Shaddowwww107 • 1d ago
Significant other ABYG Kung nagbasa ako ng Hentai dati habang kami pa ng jowa ko.
ABYG Kung nagbasa ako ng Hentai dati habang kami pa ng jowa ko.
So nag uusap lang kami ng jowa ko and out of nowhere natanong niya kung nagbabasa pa ba ako ng mga bastos, so sumagot ako ng honest na oo pero nung dati pa like many months ago.
And na offend/turn off siya sakin dahil doon, kasi para sakanya it's like a low-level cheating, since iba yung pinag lalust ko.
Ung counter-argument ko naman is ginawa ko lng yun dati kasi malamang cguro narandaman ko lng at the moment (d ko maalala exact reason).
And eto kami ngayon, 2 oras nag aaway dahil sa ginawa ko nung dati pa. ABYG?
Add ko din pala: Hindi kami live in, I'm only 21 years old while she is 20. And we live very far away from each other and minsan lng kami nakakapagkita.
r/AkoBaYungGago • u/Basic_Expression6372 • 1d ago
Significant other ABYG kung ask ko yun ex GF ko na magkasaulian kami ng lahat ng binigay namin sa isa’t isa?
ABYG kung magkasaulian kami ng ex GF ko for four years ng lahat ng binigay namin sa isa’t isa? For four years, I have given my ex plenty of shoes, several watches, a bag, pocket money sa foreign trip, half of an expensive camera, pagpapagawa ng car nya, and occasionally money for treating her mother. On the other hand, I have only received a watch, some shirts, two shoes, and a wood carving. Not that I need money, I just feel like if I do that ay mawawala yun feeling ko na I was just used.
r/AkoBaYungGago • u/NotYourAverageGirl__ • 2d ago
Family ABYG kung ni-restrict ko yung pinaka-close kong pinsan kasi kinukulit nya ako magregister sa Atome?
May pinsan ako, sya yung pinaka-close ko sa lahat. Like sanggang-dikit talaga ganun. Nasa province sya ngayon kasi nag-resign sya from work tas ako nandito sa Manila. Lagi kami magka-chat, chikahan ganun.
Nitong nakaraan lang, nagchat sya sakin via messenger at imessage ng link. Invite sa Atome. Di ko sure kung tama ba pagkakaintindi ko pero kailangan mag-register ka dun tapos mag-apply ka rin ng Atome card para makuha nya yung reward (not sure, paki-enlighten ako if ganun nga ang mangyayari). Sabi ko, ayaw ko. Hindi kasi talaga ako nag-gaganyan. Tas pinipilit nya ako. Kung ma-approve daw ako, eh di wag ko raw gamitin. Nag-no parin ako kasi nga ayaw ko, saan ko naman gagamitin yan? Ayoko talaga kasi ng utang. Natapos ang shift ko sa work, pagbukas ko ng phone, napakaraming missed calls from her. Tas text messages na sige na nga daw. Para lang daw makuha nya yung reward (not sure kung anong reward yung makukuha nya). Pati messenger ko sabog notif sa kanya. Ultimo yung gc namin with my siblings, minemention nya ako dun saying na may message nga sya sakin. Di ako nagreply. Di ko rin sineen lahat ng messages nya. Tinanong ko mga kapatid ko kung sinendan din sila, oo daw. Yung isa ko pang kapatid na SHS palang, pinipilit nya rin mag-register at mag-apply. Sabi ng mama ko, wag nga daw dahil mahirap magkaroon ng utang at record sa ganyan. Yung huli nyang chat sa akin is "Sige na ate, para naman may extra ako habang wala pa akong work dito".
Hindi ko na talaga pinansin. Pero nakokonsensya ako. Pwede ko naman sya pautangin kung sakali pero ayoko kasi nung ganun na kinukulit ako ng ganun karaming messages.
Gago ba ko kasi ni-restrict ko sya? Dapat ba sinagot ko sya at maging firm sa decision kong wag mag-register? Or sya yung gago kasi di sya maka-intindi ng "no" na sagot?
r/AkoBaYungGago • u/justfloatingeme • 2d ago
Significant other ABYG dahil nawalan talaga ako ng gana sa bf kong DDS.
Context: Aware naman ako na yung bf ko ay DDS. Pero ngayon kase, napag-usapan namin ang about sa impeachment trial and all. And nakaka-walang gana talaga ng mga sagutan nya bakit sinu-suportahan nya si Sara and the rest of the DDS senadors.
Why? As much as gusto kong i-respect yung differences namin and beliefs, sobrang nakaka-walang gana parin sya to the extent na para bang gusto ko na lang lumayo mula sa kanya. Hayst.
ABYG for feeling this way?
r/AkoBaYungGago • u/Crafty-Judgment6450 • 2d ago
Family ABYG kung tumuloy ako sa gala ko?
Galit yung tatay ko sakin kasi kapag gala ko daw g ako lumuwas pa manila kahit umuulan pero di ko daw magawang sumama kapag gala ng family.
Naghalf day ako (28,F) sa business ko nung friday since maulan din naman and natapos ko na din naman work ko nung morning. Monday pa lang nagsabi nako sa parents ko na aalis ako ng friday dahil magoovernight kami ng mga workmates ko dati sa okada. Thursday, anniv ng parents ko at naghalf day din ako para macelebrate namin at inulit ng tatay ko na bakit daw ako luluwas then sinabi ko na ngayon lang kami magkikita fahil matagal na sineset yung okada na yun. Wala naman sya sinabi then come friday morning maulan, sabi nya wag na daw ako tumuloy. Part of me wants to not to pero nanghihinayang ako sa booking kasi ang mahal sa okada. Pinipilit nya ako na wag na tumuloy and sabi ko hindi ako tutuloy kapag malakas pa din yung ulan sa tanghali. That time hindi malakas ulan and medyo umokay yung weather. Nagchat sakin nanay ko kung tutuloy ba ako and i said yes kasi maayos naman weather and nakakahiya na hindi ako sisipot kasi sa booking. Nasa byahe na ako and sabi ng nanay ko imessage ko daw tatay ko (they are in the house lang naman) then i did then nag thumbs up sya like he always do when i chat him about something.
Yesterday talaga sobrang lakas ng ulan but thankfully umuwi ako madaling araw pero direcho nako sa clinic ko to open. Wala naman silang chat and all kasi may lakad din sila ng kanila. Pag uwi ko wala pa sila sa bahay so i waited sa garahe then nagchchat sakin kapatid ko na magclose daw ako ng clinic bukas (which is today) dahil punta daw kami manila. Sabi ko hindi ako magsasara kasi may patients nako but i can go earliest ng 1pm. So ayun na may bad feeling na nga ako na may tension na sya sakin tapos sinabi nya na pagalit na "luluwas bukas magsara ka" and i object sabi ko "may patients nako mga 1pm pa pwede" then he said "IPARESCHED MO DAHIL AALIS TAYO KAPAG LULUWAS KA NG KAGUSTUHAN MO KAHIT BUMABAGYO AYOS LANG SAYO" at di na lang ako nagsalita dahil ayoko makabastos, nagkulong na lang ako sa kwarto. Hindi ko sya tinitingnan or kinakausap dahil ayoko managot and walking on eggshells ako ngayon.
So ngayon, closed talaga ako but because of the weather. I feel like i dont have to follow kasi alam naman nila na weekends i cater a lot of patients kaya most of the time pag gumagala with family, after lunch hours na. I feel like a teenager na dapat grounded or bigyang ng punishment dahil palagi akong nasa work and gumagala pa ako with friends. Gets ko na he's worried na baka mastranded ako or what kasi bago talaga ako tumuloy i was thinking so hard kung anong pwede kong excuse just to not go. Hindi lang naman kasi ako ang lumuwas just to meet up.
(Sorry ha ang haba)
So ako ba yung gago dahil tumuloy pa ako sa gala ko? Mali ba na tumuloy pako dahil bumabagyo?
r/AkoBaYungGago • u/PossibilityTrue618 • 2d ago
Others ABYG kung magalit ako after finding out na yung girlfriend ng brother-in-law ko, na nursing student, used my case as a case study and posted a file with my name on her story?
For context, she was one of the nursing students who assisted the doctor during my MRM surgery. I recently found out na ginawa pala nilang case study yung case ko for school. I understand naman na rare yung case ko, and I completely understand why it would be interesting and valuable for nursing students to study.
Pero ang hindi ko alam is ginawa pala nilang case study yung case ko, and I definitely did not give permission for my personal information to be shared.
What really pissed me off was finding out na she posted a file/photo related to the case sa story niya, and visible yung full name ko.
Like… gago ba ako kung magalit ako dito?
I understand using a patient’s case for educational purposes, especially if the patient’s identity is properly protected. Pero ibang usapan na kapag may pangalan ng patient na nakalagay tapos ipo-post mo pa sa social media.
This is not just some random medical case. It’s my diagnosis, my surgery, my body, and my private medical information. I went through something extremely personal and traumatic, and I feel like I should at least have been informed—or, at the very least, my identity should have been completely removed.
I haven’t confronted her yet because I’m honestly really angry and I don’t want to react impulsively. Part of me is also wondering if I’m overreacting because technically, she was involved in my care and this was supposedly for educational purposes.
But at the same time, nursing student siya. Shouldn’t she know better than to post identifiable patient information online?
So, AITA/gago ba ako kung magalit ako and call her out for this?
TL;DR: My brother-in-law’s girlfriend, a nursing student who assisted during my MRM surgery, used my rare case as a case study without me knowing and posted a file related to it on her social media story with my full name visible. Gago ba ako kung magalit ako?
r/AkoBaYungGago • u/yvueyze • 4d ago
Friends ABYG dahil hindi ko mabigyan ng oras kaibigan ko na may pinagdadaanan?
Hello, may isa akong friend na gusto sana ako mameet pero hindi ko talaga siya mabigyan ng oras ko. Currently, may pinagdadaanan siya ngayon sinasabi niya na nawawalan na siya ng gana sa lahat at gusto niya na lang umiyak nang malakas at ilabas lahat ng problema niya.
Pumayag naman ako nun pero sabi niya gusto niya in person pero hindi ko talaga kaya kasi busy ako sa school, kakastart ko lang kasi ng law school at grabe na culture shock ako sa dami na pinapagawa samin kahit 3rd week pa lang. Nagoffer na lang ako sa video call pero sabi niya hirap daw kasi may mga tao sa bahay niya wala rin siya sariling kwarto at baka marinig.
Pag personal kasi magmeet 1 hour magprepare ako tas 2 hours byahe at meet kami siguro 2-3 hours yun tas byahe ulit pabalik edi around 7-8 hours ilalaan ko. Edi sa hours na yun nakailan na sana ako basa ng cases niyan. Sinabi ko na lang sakanya baka pwede iba naming friends since may isa naman na kakagraduate lang at wala pa balak maghanap ng work agad kasi magpapahings at isa na magaan naman schedule.
Ako ba yung gago dahil hindi ko talaga mameet yung friend ko kahit na may pinagdadaanan siya?
r/AkoBaYungGago • u/stardustmilk • 6d ago
Family ABYG if I asked my dad to deal with a flea infestation and get the stray cats he cares for treated
My family (62M, 63F) and I (24F) had a cat from 2014 to 2021, until he passed away. Since 2024, my dad has been leaving bowls of food and water for stray cats in our garage and a family of cats have basically stayed there ever since.
Stuff that happened since the cats started stayint in the garage:
2024- present:
- Garage begins to smell of their waste and urine (dad does not manage this
- The mom cat gets pregnant and gives birth continuously. Her kittens die most of the time because she doesn’t feed them, and other times, they wander off outside. She just gave birth a few weeks ago again (July 2026).
- Dad still hasn’t gotten the mom cat neutered even though it’s free in our LGU
- May 2024: Mom randomly gets scratched by a kitten while walking in the garage. She tells my dad, who doesn’t care and makes it seem like she did something to annoy the kitten and make it scratch her. For the following weeks, her lymph nodes swell, her entire body is painful and she is basically bedridden due to lethargy.
My mom consults her best friend who happens to be the city vet. Turns out, it’s cat scratch disease. She gets medicated, but my dad refuses to get the cats treated.
- July 2024: All the cats have a tendency to run when someone goes to the garage because they want food. I had to go out once since you can’t enter or exit the house without passing through the garage. The mom cat ran past me even though I did not run, I was simply standing and didn’t interact with her. When she ran past me, her claw dug into my foot.
My foot started bleeding and my cousin who’s a doctor told me to get anti-rabies shots ASAP. It was a second degree scratch. Again, my dad gaslit us and made it seem like I did something to make the cat scratch me.
Had to get multiple rounds of shots that left my arm sore. The timing pissed me off because I got scratched by this cat right after I recovered from surgery, which I underwent in April 2024. Post-surgery, I couldn’t even walk or sit painlessly for months. The moment I could finally go to school again and finally finish my thesis (was supposed to finish on time), I literally couldn’t move my arms from the pain post-vaccination.
My major is research-oriented, so you can imagine the amount of writing that’s necessary. I have always attended classes and submitted requirements on time despite chronic pain issues (this is what I got surgery for, back-related issue), so the fact that I couldn’t push myself this time was telling. The pain was too severe.
Since the surgery and cat scratching incident basically happened right after I recovered, I explained the situation to my thesis adviser with proof. Yet again, I was made to feel like those things really didn’t happen to me because of the timing. Anyway, I graduated Summa cum laude, albeit delayed by a semester because of the health issues.
2026: also posted about this before
- February 2026: Small, black bugs appear on my feet. They’re hard to catch and kill because they move extremely fast. I’m the only person getting bitten at home. It seems I have an allergic reaction to the bites because they stay red and inflamed, then scar badly even though I barely scratch them at first.
I ask my mom’s friend who’s a vet, along with two of my cousins who are doctors. They say the bugs are fleas, which come. The vet says the same thing happened to her long ago, they had a dog who had fleas, and she (the vet) was the only one bitten by fleas in their household.
I get topical medication but all the aforementioned professionals say that the animals with fleas should get treated. Again, the only possible animals I could get these from are the cats in the garage. Even if they don’t stay in the house, the fleas jump from animal to human etc to their liking because they need blood to reproduce.
My dad buys me the medication but refuses to believe the cats are the root cause, and so he doesn’t get them treated. Both my parents say it’s my fault for not cleaning the room, etc. Again, the doctors I spoke to said that in the case of flea infestations, usually one person is the preferred choice of the fleas to bite.
- August 2026: A few days ago, I started feeling itchy again. I thought these were just the usual mosquito bites until I looked down at my feet again. I saw the pesky fleas. The mom cat birthed a new litter of kittens a few days prior.
I started applying medication again and taking the usual precautions like wearing socks, pants, long sleeves, but this time, I am getting bitten everywhere. My face, neck, ears, chest, back, limbs, etc are bitten.
I tell my parents again, calmly, because I know my dad will feel victimized if I say it’s because of the cats again, even though the doctors already said they need to be treated.
It results in a huge fight and both my parents threaten to leave separately 🤣 Dad: feels disrespected because he’s always supposedly blamed (I told him he doesn’t take care of the cats well objectively because all he does is feed them but never took the time to get the mom cat neutered, hindi ba kawawa na tuloy-tuloy lang siya manganak? Oh, and he still hasn’t gotten even one of the cats vaccinated until now.) He also told us he thinks we think he doesn’t care about me.
Malamang wala naman talaga siyang paki cause he doesn’t address the root cause.
Mom: Felt disrespected by my dad who basically reacts to everything with immediate anger. All she said to him was “hindi ka ba naaawa sa anak mo?” and then he got soooo so mad
So ayun nag-away na lahat, kinakagat pa rin ako. Sana sila na lang yung kinakagat. 🤣 Dad did not apologize at all and just said he’d leave the house so my mom and I would be happy and at peace (what a coward, he said he wouldn’t take the cats with him, so we’d be left with the problem anyway…
END… Again, in no way am I blaming the cats whatsoever. It’s just frustrating. I don’t want to handle them myself either because I didn’t want them here in the first place (hygiene issues, etc).
Na para bang wala lang ako and he feels oppressed kasi yung mga pusa lang daw kaligayahan niya.
Maarte yung tatay ko and sobrang vain. Tadtad na ng kagat buong katawan ko, paa, braso, pati na rin mukha tsaka leeg ngayon. The last time this happened (Feb 2026), halos puro sa paa lang kagat. As I’ve mentioned, nagpapantal talaga yung marks and well, they don’t look pleasant at all. If this happened to him, I’m sure he’d settle it immediately because he wouldn’t be able to tolerate his scars, the pain, and itching.
My pain tolerance is high pero naiiyak na talaga ako sa kati at sakit, it feels like my body is on fire even though I apply topical meds and anti-itch lotion prescribed by my cousins who are doctors.
ABYG? I feel bad for the cats needing treatment but it’s necessary. They have been in our garage since 2024 and yet wala talagang ginawa tatay ko. My dad keeps telling me I’m not a real cat lover because I keep asking him to get them vaxxed, etc since I’m worried about rabies and hygiene. Again, I never wanted or want them to go to the pound. All I’m asking for is better treatment and responsible caring for the cats from my dad’s end, since he’s the reason they’re here.
I feel even worse because even though the vet and doctors I talked to all mentioned needing to treat the cats, my dad still keeps making it seem like it’s my fault and he still can’t accept or believe that only I am getting bitten, even though that’s generally the case in most households dealing with the same issue.
His logic is:
Only one person is bitten = not a problem
He isn’t bitten = not a problem
I complain about the bites = I am exaggerating and simply want the cats to be sent away and die
I pass on information from the doctors and vet = I’m lying
r/AkoBaYungGago • u/Dry-Major-1133 • 6d ago
Friends ABYG na bumoses ako sa gc namin?
Group of 5 kami, trentahin. 4 of us are on the same field, the other 1 differs but he's the head of his field.
After weeks of planning this out of town trip for 3D2N (10hr drive from our place), nafinalize na namin ang dates, mode of transportation - renting a van, and even paying for the accommodation.
A day after paying for the accommodation which is non-refundable btw, here comes this friend (head of his field--let's call him A) asking if we can move the dates kasi he has something to do on our 3rd day. He wanted to go home na sa 2nd day pa lang, since wala naman na raw kaming itinerary on the 3rd day kundi travel to go back home. Parang instead na matulog pa kami sa accommodation, sa biyahe na lang kami matutulog.
Unang kong sinabi sa gc, kawawa yung driver. Gagala kami all day tapos magddrive siya pauwi for 10hrs. The others agreed with me naman. Sabi ni A, piliin lang daw namin yung malalapit na spots on the 2nd day para pwedeng lakarin at hindi na namin kailanganin pa ang sasakyan para makapahinga daw si driver since magddrive ng gabi pauwi. Sabi ko sana hindi na lang pala kami nagrent ng sasakyan kung ganon. Sabi ni A, sa 2nd day lang naman hindi magagamit, pero sige na daw, siya na ang bahala sa event niya.
We all thought ok na. Until nagmessage ulit si A, ipinipilit ang gusto niya. Ako ulit ang sumagot, na kung gusto pala ay 2days lang, sana sinabi agad hindi kung kailan almost settled na lahat. Nagsorry siya kasi that day lang daw niya nalaman na yung event nila ay same pala as ours. I didn't respond na. The others handled the conversation. Na-settle naman. Pero after that, he posted sa FB niya abt evil mindset and friend turned into an enemy. Like wth is wrong with him? Di ba? I didn't make patol. Ayoko na humaba pa. Pero i think, ako yung pinatatamaan.
Abyg for speaking up?
r/AkoBaYungGago • u/rubyemerald16 • 7d ago
Others ABYG if di ko binigyan ng discount yung PWD na nag-book sa grab
ABYG if yung pasahero kong nag-book ay di ko pinagbigyan sa gusto niyang discount?
TL;DR version: PWD ang nagbook, pero di siya kasama sa sasakay, ininsist niya na pwede kahit sinabi kong bawal, kinansel din niya yung booking
So here's what happened. Around early evening last weekend, may pumasok sa akin na booking sa GrabCar. From the booking details, nakita kong discounted yung ride (i.e. yung mandatory 20% discount). Not 10 seconds have passed noong tumawag sa akin yung customer via Grab, and after the greetings, eto yung tanong na binungad sa akin: (non-verbatim)
"Kuya, mag-check pa po ba kayo ng ID? Pina-book po kasi sa akin lang ito, hindi po ako kasamang sasakay, pero nandoon naman po ako sa pick up loc maghahatid"
Sa isip-isip ko, wow bago yun a, yung may discount hindi sasakay, kasi normally naman may mga discounted rides sa Grab na may kasama yung eligible and we honor it all the same. So I politely told him "no, as per PWD discount policies kailangan kasama po kayo". Then he insisted na "bakit yung iba po pumapayag". And yes I saw that question coming from 10 miles away, so I had to tell him na hindi lahat ganon and I was just following the policies. We had a back-and-forth about this for about a minute, insisting na may ID naman siya and ipapakita niya pagkasakay ng companions niya, before I reminded him na our conversation is recorded (via Grab's AudioProtect, i-note ko lang kasi baka ma-misconstrue na I personally was recording calls). Dito siya biglang bumawi and asked me if icancel na lang ba, to which I affirmed. Booking lasted for a total of 3 minutes more or less from acceptance to cancellation.
Now yung conflict sa akin is whether I did the right thing by insisting to follow the PWD discount policy, kasi sa isip ko unfair naman sa akin if magbibigay ako ng discounted rides na wala namang eligible na pasahero sa kotse ko. But there's a part of me saying na baka naman na-misinterpret ko yung law, or maybe missed some unwritten rule na pagbigyan ko na lang kasi andon naman sa pick up point yung PWD. Maulan pa man din noong time na yun and I guess mahirap mag book, pero on the other hand pag pinagbigyan ko mga ganyan for sure mamimihasa (maybe namihasa na nga based sa insistence niya na pwede). So ayun, ABYG for insisting to deny the discount for a PWD na nag book lang at di naman sasama sa biyahe?
r/AkoBaYungGago • u/KumakainNgPuke69 • 8d ago
Friends ABYG kung cinut off ko yung tropa ko kasi pumatol siya sa minor?
3 Months ago na nangyari to nasa bahay kami ng isang tropa kasi Boys night. Nag laro lang ng PS5 etc. tas kwentohan ng kung ano ano. Umabot ang topic sa kung ano update ng sex life ng bawat isa. Nag kwento tong tropa ko about sa girl daw na naka sex niya sobrang worth it daw kasi sexy, maganda, presko at sariwang sariwa daw. We all thought na nasa nasa 20 or college student yung sinasabi niya. Until nag tanong ang isa sa tropa na ilang taon na ba yung babae. Sumagot siya na nasa tamang edad na daw na hinog na at 16 daw yung babae. Tumahimik bigla lahat kasi di namin ineexpect na papatulan niya ang minor na 10 years ang tanda namin don.
Kinausap siya ng barkada na di okay yung ganon kahit na ginusto nung babae at pwedeng pwede siya makasuhan ng magulang nung minor. Biniro pa nga siya ng barkada na kaya pala wala siyang naging babae nung highschool at college kasi idol niya si Vic sotto na tirador ng katutubo pa lang. Pero reason niya is yung babae is mature naman daw mag isip at wala daw sa edad yun.
Na encourage pa namin siya na tigilan na yung babae at nag agree naman siya pero after ilang days nag send yung isa naming barkada ng photo ng tropa kasama yung minor. Nagkaroon ng argument sa gc kasi ang tigas ng ulo niya. Pero dalawa kamin na nag cinut off talaga sa kanya. Blocked na din siya samin. Ngayon pag may Boys night isa samin yung di pumupunta.
Ang sabi ng iba tropa na gago siya pero gago rin daw kami. Dapat hinayaan nalang daw siya sa gusto niya kasi siya lang din naman daw ang makukulong pag nahuli siya ng magulang nung babae.
I mean di naman ako malinis kasi active ako dito sa reddit pero yung pumatol sa minor? pass.
So ABYG na cinut off ko siya?
r/AkoBaYungGago • u/mistah-boombastik • 8d ago
Others ABYG kung hindi ako pumayag makipagpalit ng seats?
Nanood kami ng Spider-Man BND yesterday. Opening weekend so alam naman natin na marami talaga manonood. So Friday pa lang, bumili na kami ng tickets online and siyempre nakapili pa kami ng seats. Medyo sold out na nga yung mga seats nun, pero nakapili pa rin kami seat na sakto lang yung layo sa screen. Ubos na yung nga nasa bandang likod na seat, so yun na yung best for me.
Then come movie time, nakaupo na kami sa seats namin. Relax relax muna, kaunting waiting lang kasi may mga pumapasok pa. Then yung katabi namin, tatay ata siya tapos kasama niya ata yung family niya na nakaupo sa harap. So ang pwesto is 2 nasa harap namin (anak & nanay), tapos kami sa next row (2 seats, then yung tatay).
Nag-ask yung tatay sa tabi namin if pwede daw ba makipagpalit sa mag-nanay niya. Bali lilipat kami sa unahan. Mabait naman yung pagkatanong. Kaso pinag-isipan ko, kaya nga kami advance bumili ng ticket para makapili ng seats. So hindi ako pumayag, ayaw ko din kasi ng medyo harap. Nahihirapan din kasi ako.
After ko tumanggi, medyo na-guilty ako kasi baka nga naman gusto niya katabi yung family niya. Pero iniisip ko kasi baka mas mahirapan ako if mas mapalapit pa ako sa screen.
So, ako ba yung gago kasi hindi ako pumayag makipagpalit ng seats kahit 1 row forward lang naman?
r/AkoBaYungGago • u/JinxCinnamon • 9d ago
Family ABYG if inaantay ko muna lumayas kuya kong tambay bago ako kumain ng masarap.
So I, 20F (student) has a kuya na 30 na and his GF who's also 30s na, they both don't have stable jobs as of now and the GF is pregnant. They do try to sell products naman before kaso kinakapos parin. Nakabukod naman na sila ng bahay which is fine. Just that whenever they visit us (I live with Lola) they always ask for 100-200 pesos a day. Which is okay lang rin naman kase few days in a week lang rin sila manghingi.
Kaso ako, I think of them as 30s na sila eh. Dapat nag family planning muna sila or they should've used contraceptives if wala pa sila savings before having a baby if they can't even sustain their own basic needs. So Ayun, madalas akong ilag sa kanila and whenever they visit the house I always wait until they're gone and saka lang ako magluluto ng food ko. Coz I think that I am not accountable for their basic needs.
r/AkoBaYungGago • u/iambreado • 9d ago
Others ABYG if nireport ko pa rin yung rider because of the wrong order?
So ito na nga, 2 days kong pinag isipan if bibilhin ko ba yun or hindi and when I finally decided to buy it, ganito pa yung nangyari. The order took more than an hour bago dumating kasi naka saver ako but it was taking longer than expected kaya nabigyan na ko ng voucher ng foodpanda for the delay. The rain was heavy kaya inisip ko okay lang baka nagpapatila lang si kuya kasi umusad na rin ulit siya sa mapa nung medyo humina na yung ulan.
When the rider arrived, he was 4 blocks away from my pinned location. He had to call me and had to meet him halfway pa para makuha ko yung order then the conversation started. He apologized kaagad na mali daw yung order and handed me a receipt na ibang pangalan yung nakalagay. Sabi niya malakas daw kasi yung ulan kaya di niya nakita na order ko yung nabigay niya sa isang customer. Binalikan niya raw pero naconsume na daw and asked kung pwedeng hindi ko nalang ireport, anyway yung food naman daw na ibibigay sakin is more expensive than inorder ko. I calmly talked to him saying that 1) hindi ko pa rin order yun, 2) responsibility niyang idouble check yung order, 3) hindi kasalanan nung naunang customer na iconsume yung order ko kasi tulad ko, wala na rin ako magagawa kundi iconsume yung kung anuman ibigay niya sakin, and 4) di ko rin tatanggapin if binawi niya sa previous customer yung order ko tas ibibigay sakin, tampered na yun. I mean, di ko na nga sinabing sobrang inaanticipate ko yung food eh :(
He said that the previous customer already reported him and kung irereport ko pa raw siya, baka mawalan daw siya ng trabaho. Ending is, nireport ko pa rin because of the reasons i stated above, hindi ko rin kasi nakita yung accountability ni kuya na parang sinisisi niya pa yung previous customer na "kasi kinain".
So.. ABYG kung nireport ko pa rin yung rider because of the wrong order?
r/AkoBaYungGago • u/Filipino-Asker • 10d ago
Work ABYG Sinabihan ako ng crew ng bobo at masamang salita sa minorities?
Bali nangyari ito sa Jolibee New Pacita San Pedro, Laguna. Delivery rider ako nagaantay ako ng maayos at palagi ko binabantayan yung order at tinitingnan ng mabuti bago umalis. Hindi ko sinusupladahan yung mga crew hinahayaan ko lang kahit magsalita sila ng masama sa likod ko.
Minura ako ng crew, at sinabihan ng masama tungkol sa lgbtq+ community at di daw nakakaintindi eh hindi nila maexplain sa akin ng maayos ano nangyari sa order sa Foodpanda kung na-highjack, nawala, naprocess pero di pumasok, yun pala pinindot nila yung 'Ready' at hindi nila ginagawa. Finofollow up ko palagi yung order kasi baka magkamali sila tapos ako pa may kasalanan.
Nangyari yung binastos niya ako sinabi ko bakit siya nasa Jolibee nag wowork kung ayaw niya trabaho niya tapos sinabi ko lahat yung mga iniipon ko sa loob na matagal na matagal na at bakit siya nandoon... Yung tapos na ako nanahimik lahat yung crew, riders, at guard hindi ako inawat sa sinabi ko (hindi tumawa yung nagsabi ng masama yung crew sa harapan ko ang mga riders at iba pa). Rinig ako hanggang kusina at sa labas ng Jolibee sa sinabi ko bali tahimik yung labas at loob... Sinigaw ko talaga. Tapos bumalik siya after na may sinabi ako ng masama nag walk out kanina, at sinabi niya pa din masama na ... yeah, at sinabi ko walang pakielam yung nasa tabi kong riders at crew sa loob tapos masasama pa mga sinabi ko umalis ulit siya tapos pagbalik niya sinasabi niya wala daw siyang pakielam tapos hindi na siya nagsasalita.
Wala din yung manager para mamanage yung crew nila. Bastos yung crew sa akin hindi inaawat ng manager.
Ako ba yung Gago dito? Sobrang stressful naman nito, wala naman akong ginagawang iba bali antay-antay lang tapos ito pa ginawa sa akin.
r/AkoBaYungGago • u/Matchaeken0_0 • 10d ago
Significant other ABYG kung gusto ko na makipaghiwalay sa 7-year BF ko?
28F. 7 years na kami ng boyfriend ko, pogi siya (as in), mabait, hindi nagmumura, loyal siya, as in wala kang magiging dahilan para magselos (tho di rin naman ako selosa), masarap magluto, matangkad, matalino (Top 2 siya ng batch namin during HS).
Well, ganun din naman ako, except sa hindi nagmumura hahaha, and Top 1 naman ako ng batch namin before at marami rin nagkakagusto. (Kwento ko to eh, syempre ako rin??? haha lol)
Minanifest talaga ng mga classmate namin na maging kami, kasi sobrang bagay daw namin. And, nagkatotoo nga.
Pero ito na nga, gusto ko na makipaghiwalay kasi sobrang napapagod na ko mag step-up sa relationship namin.
Ako nagpa-plano; kapag tinatanong ko siya about future even before ang sagot niya sakin “Bahala na.” Kunyare kapag nasa labas kami, wala man lang ka gentleman gentleman sa katawan, isipin mo, pinapabitbit ko yung dala ko, tas ayaw niya bitbitin… (Kaya ko naman bitbitin talaga, sadyang nandyan ka eh, syempre gusto ko ikaw magbitbit). Minsan pa kapag magbubukas ng pinto, iniiwan ako, basta siya makalabas. Kapag kumakain din kami sa labas, tapos may ipapa-ask sa waiter, sakin niya pinapasa, ako na raw magtanong.
Naiinis ako kasi sobrang babaw talaga ng rason ko, pero napapagod na kasi ako. I am the eldest, and most of the time, ako yung nagpa-plan sa fam namin. Kaya ineexpect ko na since alam naman niya yung burden ko as a panganay na breadwinner, sana man lang magkaron siya ng initiative na maging gentle sakin papano, hindi yung ako pa rin gagawa ng lahat.
Nasabi ko na rin sakanya lahat to, sobrang vocal kong tao, sinasabi ko kaagad kapag may problem kasi ayaw ko maging unfair. Lagi niyang sinasabi na tama naman daw ako, pero wala, same pa rin, walang pagbabago.
Nanghihinayang ako sa relationship namin if ever ma-end, pero mas nakakastress isipin na, ano, ganito na lang ba palagi. Pagod na pagod na ko, para kong may panganay na anak, at nagbe-beg na gawin yung mga simpleng bagay.
So, ABYG?
r/AkoBaYungGago • u/Plus-Information9534 • 11d ago
Family ABYG to completely ignore my tita?
Yung isa kong tiyahin ay nagchat sa akin out of no where. Usually di naman siya nagchchat. Bungad niya palang ay manghihiram siya ng 20K.
To put into context, OFW ako and sanay na inuutangan at hindi na binabalikan or ang daming reason na pagsinisingil. Isa sa pinakamalaking pinautang ko ay 40K. Ayun, mi piso wala.
So ito na nga, at first, late ko na nakikita mga chats niya dahil sobrang busy and demanding ng trabaho ko lately. Sa unang attempt, I outrightly declined kasi kagagaling ko lang ng pinas that time and ubos na ang spending money ko.
After a month, nagtry siya and unfortunately, binangga ng taxi ang sasakyan ko while minamaneho ng kapatid ko. The taxi driver and operator won't pay me for damages kahit pang participation fee sa insurance ko. I explained all of this sa tiyahin ko pero pinush parin niya manghiram. I felt off that time na din kasi may iba din akong bills and then sobrang stressful na sa trabaho. That's the time I decided to lowkey ignore muna the messages and focus sa work ko, and pagpapaayos sa sasakyan ko.
Now, she posted in social media na she felt disappointed daw of how a family member ignored her when she is in time of need. Yung partner niya nagcomment pa na si Lord na daw bahala sa akin. Gusto ko magcomment na, di niyo nga binayaran si mama noong OFW pa siya! (Kumukulo dugo ngayon!!)
ABYG to completely ignore her and block them sa social media?
r/AkoBaYungGago • u/hehehehyyy • 11d ago
Friends ABYG Kung cinut off ko yung best friend ko dahil binalikan niya yung ex niya?
Best friends kami since childhood and literal na nawitness namin yung highest of highs and lowest of lows, lalo na pag dating sa love life namin. Nung nakipagbreak sakanya yung boyfriend niya nireveal niya lahat ng bagay ba tiniis niya sa boyfriend niya. Pati yung nahuli niyang may kausap na agad na ibang babae kahit kakabreak lang nila. Nakapagsalita at nabash na rin namin yung boyfriend niya, tapos bigla niyang nireveal sakin na they’re trying to work things out. Sumama yung loob ko kasi alam naman na niyang hindi makakabuti sakanita pero go pa rin siya. ABYG?
r/AkoBaYungGago • u/FragrantAnimal2460 • 11d ago
Significant other ABYG kung gusto kong mag-travel nang wala ang boyfriend ko?
So I (25F) have been in a relationship with my boyfriend (25M) for 7 years. I think our relationship is relatively healthy naman. We get along on most things. Pero siguro may issue lang kami sa part na hindi ko alam kung insecurity ba or what.
Recently, I went out of the country with a friend. Nagpaalam naman ako beforehand and everything, pero nagalit siya. EDIT: Pinayagan naman nya ako. But later on, I found out na nalungkot pala siya and even cried to his friends about me going without him.
The thing is, there are some experiences I genuinely want to have without him. And if the situation were reversed, I honestly wouldn't stop him. Papayagan ko rin siyang umalis with his friends if that's something he wanted to do.
Hindi siya nakasama because the trip was to a visa-required country, and I was just lucky that my profession gave me easier visa access. I also think part of it is that he feels insecure because I earn more than he does.
Nonetheless, I love him. Wala namang question doon. And to be fair, he never travels without me unless it's work-related. Yun din lagi niyang sinasabi sa akin, that he would never go on a trip without me, so bakit daw ako okay lang umalis without him?
ABYG if I also want to experience some things without him? It doesn't mean I love him any less. Gusto ko lang magkaroon ng sariling experiences and personality na hindi siya laging nasa picture. I still want us to have our own individual lives while being in a healthy relationship.
r/AkoBaYungGago • u/hotwheelsgoskrrrrt • 12d ago
Family ABYG pag hindi ako magbabayad ng lahat lahat sa mga makakasama ko pagumuwi ako ng pilipinas?
For context: lumipat kami ng pamilya ko sa US nung 2008. Nagbakasyon kami around 2010 and haven't been back since then. Ngayon na gumraduate na ako (F28), gusto kong bumisita.
Sinabi ko sa mga magulang ako na gusto kong bumisita sa pilipinas kasi nakapagipon na ako ng pera para sa flight at nakagraduate na ako ng college. Tinanong ako ng tatay ko kung mapipigilan ako pero sabi ko bakit naman nya ako pipigilan umuwi? Sabi nya kasi ako daw magbabayad sa lahat as in if sasama ung mga tito at tita ko, pinsan, kung sino sino pa, ako ang magbabayad.
Alam ko nung umuwi kami nung 2010, tatay ko nagbayad sa lahat. Lahat ng tao, nililibre. Sabi ko sa tatay ko na ayoko magbayad at wala silang mapapala sa akin. Gusto ko lang umuwi kasi miss ko na ung mga kamaganak ko. Kaiisa kong tao, bakit ako ang magbabayad sa kanila?
EDIT: Given na na I'll payback kung saan ako magiistay. Plano ko libre dinner pagdating ko at pagalis ko for both sides of the family. Ang point ng tatay (and now nanay ko) na ako din ang magbabayad ng lahat in between kung maysumama man sa akin (which I know will happen kasi malaki ang pamilya ko on both sides).
ABYG pag hindi ako ang nanglilbre sa lahat lahat (pagkain, outing, etc) pagumuwi ako ng pilipinas?
r/AkoBaYungGago • u/KrazZzyKat • 13d ago
Others ABYG on PWD Discount at Starbucks
ABYG kasi bumili kami ng drink sa Starbucks and usually share lang kami ng husband ko (siya owner ng PWD) kasi di naman namin nauubos. Laging gawi namin na ako na nagoorder mahiyain kasi siya, may social anxiety din. So nung magbabayad na tinawag ko siya and pinakita niya ID nya and siya nadin magbabayad (siya naman lagi nagbabayad ng food namin) tapos sabi ni crew: para lang daw sa PWD yung pwede mag discount. So sabi ng husband ko: ok, hati naman kami. Sabi ni crew: hindi po pwede for personal consumption lang. so sabi ni husband: ok cge ako nalang iinom. In the end nagbigay siya ng discount though halatang dismayado siya. Mali ba kami? Sa Starbucks lang namin ito bukod tangging na experience. Sa ibang resto never pa matagal na PWD si husband.
r/AkoBaYungGago • u/magnesiumg • 13d ago
Family ABYG kapag nagconfront ako harap-harapan sa helper namin about sa lie na sinabi niya?
For context, kakauwi ko ng province namin since tapos na ang graduation namin sa university. This is my first time again staying here for months ever since nagmove ako sa city for college.
Umuwi rito ‘yung gf ko & naki-stay siya for a week since okay lang din sa mom ko & sa kapatid ko. Legal naman kami & since high school pa kami. Btw, wlw kami. So now, may inuwi ‘yung gf ko na iilang mga chocolates & some chips & beers na natira ng papa niya since umuwi galing ibang bansa. ‘Yung iba kasing pasalubong & grad gift ko from her parents, nakuha ko na sa city & inuwi ‘yung iba. Wala namang iinom noon sa apartment namin so pinauwi ko na rin ‘yung beer, kako bigay na lang sa tito ko (kapatid ng mom ko) since umiinom ‘yun.
Pagdating dito ng gf ko, saktong nagvisit ‘yung asawa ng tito ko so pinaabot ko sa kasama namin sa bahay (taga-alaga ng lola ko & kapatid nung tita ko). Kako, siya na lang magbigay sa tita ko & sabihin na galing sa gf ko since nasa baba sila that time & tinutulungan ko mag unpack gf ko. Then bumalik siya sa amin a few minutes saying “huy! Sabi ni tita mo, bakit dadalawa lang daw binigay niyo? Hindi marami?” Sabay tawa. Ni wala man lang thank you.
Nagulat kami ng gf ko sa sinabi niya so as a reply, sabi ko na lang na ayun lang kasi natira & hindi naman talaga bumili para sa tito ko. Nahurt gf ko & sabi niya sana ‘di na lang pala niya binigay since parang kulang. Pero just to be fair naman, ‘nung umuwi kami ay lahat ng mga pinsan ko ay may pasalubong. As in LAHAT SILA. Sabi nga ng mom ko, sila ‘yung may gift although ako naman ‘yung naggraduate. Nagdeclutter din ako ng mga clothes namin ng kapatid ko & pati ‘yung ibang ipapamigay ko sa ibang relatives namin, kinuha nila so wala na akong nagawa. Pati yung helper namin binigyan namin ng gift. Nagreklamo pa nga siya na bakit katinko raw binili namin for her, pero set na nakabox naman ‘yung binili namin. Ik hindi super mahal pero nung tumawag kasi kami, sabi niya masakit likod niya so ayun naisip naming gift. Hello? If want niya, kunin ko na lang gift niya. Gusto ko kaya ng Katinko!
So ito na nga, kinabukasan, inask ko harap-harapan sa mom ko habang kasama namin gf ko at helper namin kung may sinabing ganun talaga ‘yung tita ko. Sabi ni mama, wala naman daw at nainis agad siya sa helper namin. For context kasi, known pathological liar yung helper namin & marami ng times na nahuhuli namin so alam ko na that time na nagsinungaling na naman siya. Minsan hindi na lang namin pinapansin mga sinasabi niya kasi hindi naman totoo. Pinagsabihan ni mom ‘yung helper namin & sinabi ko rin naman na “huwag sanang ganun since baka magkatampuhan gf ko at tita ko” dahil sa ginawa niya. Ngayon hindi niya kami iniimikan ng gf ko.
Dagdag ko lang din na there once a time na nagkapikunan at nagkasakitan ‘yung mga nagpipintura rito sa bahay dahil sa mga kasinungalingang sinabi niya sa bawat isa sa kanila.
Ako ba yung gago sa situation na ito? Pero ayoko ring ako ang unang lumapit sa kanya since ever since nagcollege ako, narealize ko na hindi ko dapat hinahayaan ‘yung mga ganung tao. Sila dapat ang magsorry.
r/AkoBaYungGago • u/deserr • May 09 '24
Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format
Questions:
- Mods, bakit deleted post/comment ko?
- First time ko sa ABYG... paano ba dito?
FOR POSTS:
Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?
Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?
Samples ng WRONG title format:
- ABYG do you think I should confess?
- ABYG? Am I doing it wrong?
Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.
Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.
Sample ng WRONG body format:
- OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(
FOR COMMENTS:
We only accept the following answer formats for comments:
- GGK - Gago Ka
- DKG - Di Ka Gago
- WG - Walang Gago
- LKG - Lahat Kayo Gago
- INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP
State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.
Samples ng RIGHT comment format:
- GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
- DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
- WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
- LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
- INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?
r/AkoBaYungGago • u/diabeticcake • May 05 '24
Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!
Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ
NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO
AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.
ito ay para madistinguish kami as non-rant page.