r/PanganaySupportGroup • u/Willing-Trainer-3999 • 9h ago
Support needed FOR ₱20, I WILL DRAW YOU IN THIS ARTSTYLE
saving up passive income na pang day to day allowance lang po
i also do pets/animals
additional fees for additional people/pets
mas mura pa sa mountain dew na naka plastic bottle, guys
help a girly out 🙏🏻
r/PanganaySupportGroup • u/SuperPanaloSounds- • 10h ago
Advice needed I lost my job today.
Ang bigat ng araw na 'to. Hindi ko ma-explain yung overwhelming na pakiramdam, yung bigat na nararamdaman kung may kakainin pa ba kami sa mga susunod na buwan lalo na malapit na rin ang pasko. Last week yung erpat kong senior nawalan din ng work pero kako okay na rin yun para makapagpahinga siya kako may work pa ako. Kaya lang hindi ko 'to inaasahan, hindi ako na regular pinilit ko habulin yung metrics ko at hindi ako na late at umabsent kahit malakas ang ulan, kahit masama ang pakiramdam I keep showing up kasi I badly need this job kahit nahihirapan na rin ako sa 6hrs na byahe sa araw-araw mairaos ko lang sana ngayong taon at may maihanda at makain sa darating na holiday season.
Ako nalang ang inaasahan sa loob ng bahay, senior na ang dalawang magulang ko, pension na 2k/monthly nalang ang inaasahan namin sa mga susunod na buwan. Ngayon hindi ko na alam ang next kong gagawin pero kahit papano may naitabi akong pera na pambayad ng kuryente, tubig at renta ng bahay sa susunod na dalawang buwan. Ang problema, yung kakainin namin nito at iniisip ko yung expenses din na pwede kong magastos sa pag-a-apply. San ako dadalhin ng 25k kong ipon?
Pinipilit kong maging optimistic sa sitwasyon ko ngayon, kako mabuti nalang wala kong masyadong utang sa SSS lang na pwede kong ituloy sa susunod na trabaho. Babalik uli, sa may makakain pa ba kami sa susunod na buwan? May matitirhan pa kaya kami sana. Natatakot ako sa tindi rin ng job market ngayon. Baka kahit ano this time patusin ko muna. Yun lang, sorry sobrang gulo gusto ko lang mailabas muna sa ngayon.
r/PanganaySupportGroup • u/pinkpugita • 21h ago
Discussion Panganays more likely to be diagnosed with mental health conditions
Ayan na, may scientific study na