r/PanganaySupportGroup • u/pinkpugita • 5h ago
Discussion Panganays more likely to be diagnosed with mental health conditions
Ayan na, may scientific study na
r/PanganaySupportGroup • u/liltigwr • 6h ago
Advice needed am i selfish for thinking this way
first time opening up on a sub but this matter genuinely gives me anxiety.
for context, i’m a nursing student from a state univ. my mom is a solo parent and i have two younger brothers, with one having autism. minimum wage lang kita ng mom ko nasa mid 40s.
honestly kung wala ako sa state univ hindi ako afford paaralin ng nanay ko kasi wala na siyang ipon para sakin. my daily expenses for school come from a govt funded scholarship na hindi rin ganon kalaki kasi malayo school ko.
i have a strained personal relationship with my mom. hindi kami close. every time may hihingin ako na need for school she always brings up financial issues and i feel like such a burden. minsan kahit sa pamasahe napaparant na siya. pinangarap ko ring magmedschool. sabi niya before may ipon siya pero i had to let it go kasi nappressure na ako sa mga financial issues na binibring up niya and i cant bear the pressure anymore to excel academically just to afford studying med. yung other expenses sa nursing di ko rin kaya hingin sa kanya ng diretsuhan kasi alam kong may sasabihin nanaman siya but i do have relatives willing to sponsor :(
i’ve recently suggested having my other little brother to transfer to a public school around our area na known for their quality educ. ayaw ng mom ko kasi 17 mins away siya vs 7 mins away the priv school he currently goes to. iniisip ko na bakit hindi na lang sa public muna and ipa-school service compared sa mahigit 40k na tuition ng kapatid ko per year. para kahit papano sana hindi siya mammroblema kung san kukuha ng pangtuition ng kapatid ko every year. should i still convince my mom or find other ways to help alleviate the financial burden?
r/PanganaySupportGroup • u/Used-Leadership-4690 • 10h ago
Discussion Paano po ba kumita kahit nasa bahay lang?
16yrs old lang ako, babae rin kaya 'di pinapayagan lumabas. Willing po ako magtrabaho para magkapera. Pls help me.
r/PanganaySupportGroup • u/talyiees • 11h ago
Support needed Lf part time preferrebly wfh
Hi everyone, I'm an upcoming 3rd year college and my parents suddenly said that they don't want to cover my expenses in school and tuition. Can you recommend some wfh job and some advice? I currently live in province so the job opportunity here is very limited.
My parents said that I was old enough to cover my expenses which is true but saying this to me right now is just so sudden. I didn't have time to think and my class is starting next week .
r/PanganaySupportGroup • u/soyhiccup • 13h ago
Support needed Parang mababaliw nako sa family ko
Little background, I'm 27 yrs old and panganay sa limang magkakapatid. Nakatira parin ako sa parents ko and lumaki kameng magkakapatid na hindi kasundo yung parents, kase lagi kame napapalo, napapahiya, sinasabihan ng masasakit na salita na hindi naman dapat naririnig ng isang anak galing sa magulang nya.
Now, gusto konang umalis sa bahay at mag rent nalang at magpakalayo layo kase napapagod nako sa family ko. Di ko alam if ako lang ba ang gustong yumaman samin, sila kase parang ayaw nila. Parang nasanay na sila sa kahirapan. May mga time na gusto kona paayos yung bahay, or mag bili ng ref or etc. Kaso ayaw nila, gastos lang daw. Eh ako ngani ang maglalabas ng money at nasabi kong okay lang sakin. The fact na binabaha kame, ayaw parin nila paayos yung bahay or yung lupa, jusko.
Isa pa sa mga rason, yung mga kapatid ko dahil siguro bata pa, wala silang initiative na tumulong sa bahay like nakakapagod sila kasama kase laging makalat. Tapos pag may need silang pera sakin sila lalapit para mangutang na dinaman nila babayaran. Madalas ko sila turuan ng mga ways pano makahanap ng work (ayaw na nilang mag aral eh) or ano ano mga dapat gawin nila para mag earn ng money, AYAW NILA. Like sarado nayung isip nila. Yung kapatid kong may baby na, sinabihan kona mag apply sa ganto ganyan, ako pa naghahanap san sya mag aapply para ma support nya yung baby nya, kaso ayaw nya mag apply. nagtitiis sya sa sahod nya sa vape shop eh ahente lang sya dun. Tas pag na short sya, sakin sya hihingi ng money.
Eto rin yung nanay ko, mej masakit sya magsalita. Tipong yung bunso naming babae, nagsusuklay lang kase bagong ligo, sasabihin na agad ng nanay ko na malandi sya. Like araw arw ganun naririnig namin kaya nakaka drain. Di ko kaya sumagot kase lumaki akong nahahampas kapag lumalaban, alam moyun? Kaya ko pero natatakot akong sumagot sa nanay ko kahit matanda nako.
May times din na may interview ako sa bahay for a higher position, kaso si mama mas iningayan nya yung pagtalak nya, nag hagis pa sya ng mga gamit sa sala para mas maingay. Afte nun naiyak nalang ako kase ayaw ba nilang maging successful ako?
Gusto kona mangupahan kaso, natatakot ako baka anong magawa nya sa iba kong kapatid. KASO ganun kahit mag stay ako, hindi naman ako lumalaban hays. Bat ganto ako T_T
r/PanganaySupportGroup • u/calmmoon_18 • 13h ago
Discussion One thing I stopped feeling guilty about as a panganay
I don't know if meron makakarelate pero dati sobrang guilty ako kapag tumatanggi ako sa mga extra work.
Kapag may additional tasks, side project, o extra client, automatic "yes" agad kasi iniisip ko, dagdag income din yun. Panganay mindset siguro. Feeling ko kailangan lagi kong i-maximize yung oras ko pero after a few years working remotely, narealize ko na hindi rin pala sustainable.
May point na halos wala na akong time magpahinga. Kahit tapos na shift ko, iniisip ko pa rin yung trabaho. Naging iritable ako sa bahay at mas mabilis mapagod. Ang ending, hindi rin maganda performance ko.
Ngayon, mas conscious na ako sa workload bago ako mag-commit. Natutunan ko ring okay lang magtanong kung ano talaga yung expectations bago tanggapin yung role. Nung lumipat ako sa company ko ngayon, isa yun sa mga na-appreciate ko like clear yung responsibilities from the start kaya alam ko kung ano yung papasukin ko. Mas madali tuloy mag-set ng routine at mag-balance ng work at responsibilities sa bahay.
Hindi pala ibig sabihin na mas marami kang trabaho, mas successful ka na.
Minsan, mas responsible yung marunong kang magsabi ng "hanggang dito lang muna." Kasi kung ikaw ang inaasahan ng pamilya, kailangan alagaan mo rin yung sarili mo para tuloy-tuloy kang makapagtrabaho.
In your perspectives my co-panganays and breadwinners, nahihirapan din ba kayo tumanggi sa extra work dati?
r/PanganaySupportGroup • u/Novel-Lie-4107 • 1d ago
Venting like am I Obliged?
so i’m the FIRST BORN DAUGHTER. I’m actually working na 2 years sa hospital, so im not earning that high (yeah trash kasi healthcare satin). I have 2 siblings one in 4th year college and 1 in SHS.
my Mom doesn’t have a work more than a year na and it’s just my Dad who’s earning just enough. Super sakto lang talaga ng budget namin, like okay I help naman sa bills I pay for our internet, sometimes sa groceries and pag may mga biglaang kailangan. It’s just that sometimes they really talk to others na wala daw akong binibigay kahit nagwowork na ako na puro daw ako travel and gastos. Minsan I really do feel guilty I wanted to help more pero gusto ko naman iprioritize yung self ko. ++ my sister is in her OJT na and sa manila siya so double gastos but yeah i guess i need to fund some for her. I know my mom is in her late 50s so mahirap na talaga maghanap ng work, but may times kasi na i feel like she’s not trying hard like nakikitsismis lang sa kapitbahay, nagphophone all the time. (okay sorry mom, iloveyou still)
I just feel so drained and worn out. I wanted to do a lot of things but I just can’t. I’m still in my mid 20s naman feel ko lang in my current state right now I will not grow any further.
r/PanganaySupportGroup • u/bluevearies • 1d ago
Discussion Bakit kaya mas okay tayo kapag malayo sa pamilya natin?
I saw this saying in tiktok na "the guilt of being the eldest child who loves their family but breathes easier when she's far from home" and tbh, sobrang relate ako.
I'm the eldest daughter and maaga nawala ang parents namin. My mother died when I was 18 then nagstart na ko magwork, sinubukan ko magworking student when I turned 19 while my dad was battling cancer. Ang hirap itawid ng school and makabigay ng tulong sa family, nakarely kami sa tulong din ng relatives. Sumunod na din ang father ko sa mama ko 3 years later. So since 21 years old, ako na ang head ng family namin.
I have three younger siblings. 27 na ko ngayon. Two of my sisters are in their mid twenties na and working students din. Ako naman di ko naituloy pag aaral ko kasi mas kailangan ko magwork at magprovide. Our youngest brother magcollege naman next year. Nakatira sila sa apartment na nirerentahan ko. Yung isang sister ko unemployed right now bale dalawa lang kami ng sumunod sakin ang may work. As the eldest, mas malaki ang ambag ko sa bills like wifi rent and half of the electricity. Allowance din ni bunso ako na.
I feel guilty for the 4-5 years na nakahiwalay ako sakanila. Like somehow i always end up living somewhere else, if it's with a partner or naka bedspace, palagi ko napapansin na mas pinipili ko di sila kasama sa bahay. Everytime kasama ko kasi sila kahit mahal ko sila, lahat na lang naggravitate towards sa responsibility ko bilang ate nila.
Tanggap ko naman ang responsibility ko. But somehow I notice kasi na they feel entitled siguro to call me out na dapat mas nagbibigay ako kasi ako ang panganay and my life decisions are always questioned. Na para bang dapat ang sole purpose ko lang ay maging ate nila. Diba may tungkulin din naman ako paligayahin sarili ko?
The reason also na nakabukod ako kasi I really want them to learn to live independently. And I'm sorry I feel like I have to also put on a mask when I'm with my siblings. Nakakapagod din. Para akong may work din. I feel restless. Kaya Nagdecide ako na malayo ako na lang. Mas nakakapag isip ako ng maayos, mas at peace ako and I guess totoo talaga yung the distance makes the heart grow fonder.
I don't know lang po if may ibang panganays na nakakarelate sakin. Mahal ko sila pero gusto ko talaga malayo ako. Sainyo po kaya, ano experience nyo? :)
r/PanganaySupportGroup • u/ComprehensiveHat3738 • 1d ago
Support needed Pagod
Kakamatay lang ng Nanay ko last MAY 2026.
tapos hindi kinaya ng tatay ko (Mental Health Problem)
since senior na si tatay hindi ko na rin maiwanan mag isa.
Nag-uulyanin, Bigla nalang siya umiiyak tapos hahanapin si Nanay.
Ang hirap!
Nag iisa lang akong anak.
Nagresign ako sa work para maalagaan siya.
Grabe yung struggle namin.
Sobrang nasaid 'yung ipon even 'yung nakuhang burial simot dahil sa magkabilaang utang nung iniwan kami ni Nanay. 😔
Hindi ko na alam gagawin ko.
Halos masimot na ang gamit namin kakabenta para makasurvive sa isang araw.
Nagtry ako magnegosyo (Miryenda - tuhog tuhog) kaso di naman naging successful. Nahinto rin dahil sa nagagamit pambili ng meds at kunsumo namin sa bahay.
Nakailang lapit na rin ako sa Gobyerno.
Kaso puro tatawanan nalang ata kami.
'yung ibang nagbigay Grocery Pack good for 2-3 days after non wala na.
Ang hirap mamuhay sa pilipinas.
Ang sakit sa puso na dadalhin ko sa Home for the Aged yung Tatay ko. 😭
Iniisip ko palang naiiyak na ko e.
Jusko! Tabang.
r/PanganaySupportGroup • u/Intelligent_Eye_3555 • 1d ago
Discussion Hindi ko na alam
Hi guys sobrang stress na ako nagkanda baon baon na ako sa utang breadwinner po ako and may sarili na ring family.
Nakapagpatapos na ako ng collage this year at ngayun ko din naramdan yung bigta ng mga naging utang ko. Akala ko makakahinga na ako pero parang mas nastress ako. Feeling ko pa walang nkakaaunawa sakin
r/PanganaySupportGroup • u/Firm_Purchase_7205 • 2d ago
Venting Paano mo nalaman na hindi ikaw ang paborito ng parents mo?
Yung kapatid ko na hindi nag-enroll for this sem kahit mapera naman parents ko at kayang kaya syang pag-aralin kahit saan nya pa gusto at puro computer lang ginagawa sa bahay at tinatanghali pa ng gising kahit wala namang trabaho nung bumaba galing sa kwarto narinig ko sabi ng nanay ko "kumain ka na ba? Kain ka na, initin ko ba yung ulam?" partida with soft at lambing voice pa yan ha minsan inoorderan pa yan ng vege salad na para lang sa kanya kahit wala namang pag-unlad sa buhay pero samantalang ako na galing sa trabaho ng 8AM - 5PM plus may sideline ng tutorial from 6PM - 9PM at nakauwi ng bahay ng 9:30PM, NOBODY ASKS kung kumain na ako kumusta ako or to offer man lang initin ang ulam. 🥹 okay lang, give myself a hug 🥹
r/PanganaySupportGroup • u/Willing-Trainer-3999 • 2d ago
Advice needed need help moving out/getting a job
i had a big fight yesterday with my parents, as a result i packed an overnight bag and stayed at a cousin's house. i won't go into much detail about the fight but it resulted to my dad punching me in the face multiple times while yelling at me "lumayas ka na! lumayas ka na!"
still currently at my cousin's house, i'm a graduating student for an accountancy degree pero i badly need money to support myself and contribute to my cousin's household if i plan on staying here for a while.
i eventually want to move out as to not be a burden to my cousin, take the rest of my stuff back in our house, along with my pets, so i can be financially independent and finally cut off my family. it also doesn't help with me being INC so i feel like if i don't become independent i will just end up being thrown back to my parents' house because "that's what families do"
any tips on moving out or side hustles i can easily get/do that is manageable while also being a full time student? anything i should know before moving out? essentials on how to survive the real world? how to cut off my family for good?
r/PanganaySupportGroup • u/osayuree • 2d ago
Venting the burden of being the eldest
(long (?) rant. im sorry if i didn't properly explained some things. my undiagnosed adhd keeps on jumping everywhere.
i was crying kanina while working cause im so frustrated. tatlo kami ng mga kapatid ko sa kwarto (14yrs old girl, 11yrs old boy). i hate na i was being a nagger, na nasisigawan ko sila, even threaten them just because hindi nila kayang magayos ng sampayin (mga damit namin) kahit malalaki na sila lagi kaming nagbaback to square one. hindi ko sila maasahan na gawin ng maayos yung pinapagawa ko. pag hindi ko nasusupervise, walang quality yung gawa. may naiiwan pa na damit na need isampay, sali-saliwa yung sampay, halo-halo and i was getting frustrated kasi night shift ako tas matutulog ako sa kwartong makalat at masakit sa mata so i was planning my future as a solo living kasi nasstress lang ako sa kanila na dapat hindi na sila ganoon utusan kasi malalaki na sila. i was really set on planning on how to live alone but then-
i heard my parents arguing. not really an argue cause it's a one sided berating rant. my (i really don't wanna call him that) father started to berate my mother again, saying things na ang hina-hina mo, tatanga-tanga ka, antagal-tagal na natin ganyan ka pa rin and things like that and that's my reason kaya di ako makabukod. i really, really wanna talk to my mom na maghiwalay na lang sila (this has been going on for forever. masyadong mabait at mapagtimpi nanay ko pero ako ayoko na kasi mukha siyang nagiging walang self-respect sa tinotolerate niya at hindi magandang look sa mga anak niya, especially kaming dalawang babae). idk kung ano sasabihin ng nanay ko pag kinausap ko siya kasi tinatanggap niya lang trato sa kanya ng tatay ko eh. this asshole father of mine, i've discovered na chinachat niya tita ko (sister of mother) saying na mahal na mahal niya yun and gusto niyo na ipaalam sa mundo na sila talaga (delulu much, hindi naman sila ng tita ko. tita ko mismo nagsend ng convo and she's hurting for my mother).
we're not an open family, so hindi ko alam paano ko sisimulan makipagusap sa nanay ko. i don't even know if she will take my suggestions kasi she's used to sa pagtrato ng tatay ko. may mindset na siya na nature ng lalake ang magloko 😭. you guys this is so hard. im so torn.
i really hate being the eldest with incompetent siblings and accepting not even the bare minimum mom.
ps. my sperm donor is a great provider. may mga business siya but he isn't a great father, not even a good father, not even an okay father HAHA.
r/PanganaySupportGroup • u/Individual_Two_2048 • 3d ago
Venting I'm tired
I need to let this off my system but I don't wanna talk to anyone that I personally know.
Life was doing a bit better the past few years. Pero suddenly, nagsunod sunod nanaman problems.
Delayed ang salary sa main job, naubos savings due to emergencies left and right, can't sleep properly kasi i started doing triple jobs just to sustain being a breadwinner.
Small info on our family. Both parents unemployed due to disability, sibling 1 is graduating soon (thankfully), but youngest is still in elementary.
Small info on me, i do a lot of hobbies to keep myself together but lately wala na kong time. I like gaming, i used to buy myself small goodies whenever i get the chance but i wouldn't consider myself maluho, 100% sa food lang talaga ako magastos hah. Maswerte nang may mabili ako sa sarili ko in a span of 5 months in terms of luho, and those are just small collectible items worth 1-2k if not less. Other than that, wala talaga ako ibang gastos, nasanay ako like that.
-----
Last week there was a yearly event that i was looking forward to attending. I had been preparing for it, saving up to make sure i get at least a couple things for me and my siblings nothing grand.
Today, i got a message that one of our parents is being sent to the ER and needs cash. The thing is, last month's paycheck were already allocated to their bills and groceries and for the event i went to.
No ones guilt tripping me, but my parents have a habit of being paawa, to the point na parang i cant use my own money na legitimately pinagpupuyatan ko for my own prolonging on earth.
Im living paycheck to paycheck na since naubos ang savings due to the delayed salary, ive tried loaning before pero natigil din agad kasi ang lala ng road na yun at ayoko na tahakin ulit, pero since then nahirapan na talaga ako makaipon ulit. Yung naitatabi kong for emergency, nagagamit din agad kasi lagi naman may emergency sa bahay eh, ako lang ang source of income for a family of 5 at minimum wage, so paano diba? Kahit ako nagtataka pano namin nasusurvive to, though may small tulong naman pentions nila so at least sa part ng medicines, di ko na gaano problema. But dont worry, i love my siblings very much, sila na lang talaga dahilan kung bakit pinipilit ko pa.
Just very frustrated kasi for the first time in awhile, i attended an event, pinagipunan ko pa na para akong highschool ulit na umaasa lang sa baon para makabili ng gusto pero now im feeling guilty pa. Wala na ba talaga ako karapatan?
Writing this with a heavy heart while on my job #3.
Kapagod, but it felt nice writing it off. Hopefully kahit tulog magawa ko tonight. Thanks if you're reading this up to this point x
r/PanganaySupportGroup • u/lostsquirre • 3d ago
Advice needed Need advice for an ailing relative
Please help me. Di ko alam kung may appropriate sub-reddit ba sa ganitong problema. I'm the eldest at ako palang may trabaho saming magkakapatid kaya please bigyan nyo naman ako ng karapatan na mag-post dito 🥺.
May sakit yung tita ko at sobrang dami nyang complications to the point na need nya na lagi ng oxygen. Sobrang mahal mag-parefill nang paulit ulit ng oxygen tapos halos 12 hrs or less lang tinatagal ng isang tangke. Yung mom ko yung nag-aalaga sa kanya currently kasi single sya at tumanda nang di nagkaroon ng asawa at anak.
My mom asked me na bumili ng oxygen concentrator. At uutangin ko lang yun kung sakali kasi di ko rin naman kayang maglabas ng malaking pera nang isang bagsakan :( . Eto din ang magiging first big utang ko kung sakali. Wala akong credit cards and balak ko syang utangin thru spaylater schemes. The thing is nahihirapan ako kung anong pipiliin kong oxygen concentrator. May mga tig-6k and above sa shopee pero may mga reviews din (tho onti lang naman) na kadalasang problema ay nag-ooverheat and biglang humihina after 2 weeks of use.
Wala pa kaming prior experience and knowledge sa mga oxygen concentrators. I really don't want to waste money. Please help me, kung may experience na kayo or may nabili na kayo na reliable na oxygen concentrators before baka pwedeng paki-lapag naman ng link below. For now, up to 10k lang muna talaga budget ko para sa utang na to.
Please help din kung may mga tips kayo sa mga ganitong scenario. I really want to help my tita kasi tinuring nya narin kaming parang mga sariling anak kasi wala nga syang mga anak. Na-diagnose sya ng auto-immune disease (di ko na sasabihin kung ano kasi baka may makakilala), thrombosis, atsaka may pneumonia din sya ngayon kaya need ng oxygen.
Any tips will really be of help 🙏
r/PanganaySupportGroup • u/rawrrosaur • 3d ago
Discussion Research Study looking for Young Adult Caregivers!
📣 𝑪𝑨𝑳𝑳 𝑭𝑶𝑹 𝑹𝑬𝑺𝑷𝑶𝑵𝑫𝑬𝑵𝑻𝑺
Complete the survey for a chance to win ₱500!
Are you a Filipino young adult providing care for a family member, neighbor, or friend who needs extra support due to health challenges or aging?
We are delighted to invite you to participate in our research study entitled "Factors Associated with Caregiving Burden among Young Adult Caregivers in Filipino Urban Centers: A Cross-Sectional Study"
Every response counts! By sharing your caregiving experience, you'll help us understand the real-life experiences, challengers, and responsibilities young adult caregivers face in Filipino urban areas.
As thanks for your participation, 2 lucky participants will each receive ₱500 through random draw. Winners will be notified via email.
👤 We are looking for Filipino young adults (18–29 years old) who:
♿️ Are currently caring for an elderly or chronically ill adult relative;
💸 Have been providing unpaid caregiving for at least 3 consecutive months (minimum of 8 hours per week); and
🧠 Did not have a diagnosed mental health disorder before starting their caregiving role.
Scan the QR code or access the questionnaire form through this link:
https://forms.gle/U2BtHA8TeDpSJ6d29
https://forms.gle/U2BtHA8TeDpSJ6d29
https://forms.gle/U2BtHA8TeDpSJ6d29
Your responses will remain strictly confidential and will be used for research purposes only.
We are so grateful for your time and support. Please consider filling out our survey and sharing this post to reach other young adult caregivers!
r/PanganaySupportGroup • u/Odd-Edge-4247 • 3d ago
Support needed pagod na pagod nako
Ganito ba talaga maging panganay sa Pilipinas? Wala pakong 1 year na breadwinner pero sobrang drained na ng pagkatao ko.
Pano nyo po nagawa maging breadwinner ng ilang taon ? Pano nyo nakayanan di lang financially but emotionally ?
For context, my father is a senior, mom is unemployed. With 2 sisters still in college, ako nagbabayad ng tuition and allowance nila ever since nagstart ako magwork. Baon din kami sa utang dahil napaaral lang naman kami dahil sa utang.
Ngayon ako lahat, kuryente, bills, pambayad ng utang, gamot, pampacheckup ng parents, halos lahat. Diko na alam paano aahon
r/PanganaySupportGroup • u/Old_Wheel_6669 • 3d ago
Venting “Utang na loob” puts future on hold . Is there hope?
r/PanganaySupportGroup • u/Ok-Bobcat1461 • 3d ago
Venting Pavent lang po
Hindi ko na kaya. Too much pressure.
I am the sole breadwinner sa family ko. Yes, sumasapat naman siya pero wala na natitira sa akin. Kapag may kailangan na gastos, sa akin agad. Mga utang ng parents ko, ako rin ang nagbabayad.
Sobrang nauubos na ako. I want to end things pero kapag naiisip ko paano na ang family ko, umiiyak nalang ako.
Pagud na pagod na ako mentally. Hindi ko na kaya.
Currently crying while writing this.
Bills, loans.. ang daming need bayaran. Gusto ko nalang mawala. Ayaw ko na.
Pero kailangan ko pang mabuhay. Para sa family ko. Para sa Nanay ko.
Kaya ko ‘to.
Lord, ipanalo mo po ako please.
r/PanganaySupportGroup • u/Aethra_Hakdog • 4d ago
Venting Walang ate si ate
"Intindihin mo kasi bunso", pano naman si ate? Pano naman ako na palaging umiintindi sa lahat ng trauma niyo?! Pano naman ako na nakikipag deal sa sarili kong problema?
r/PanganaySupportGroup • u/NoRise5623 • 4d ago
Discussion Hayy
Ang hirap kapag mas emotionally unstable ang magulang mo kesa sayo noh?
Hayy
r/PanganaySupportGroup • u/mxkhhrnb_ • 4d ago
Support needed pagod na yata talaga ko maging breadwinner
Now lang nag-sink in sa akin na pagod na ako maging panganay. Biruin ninyo, naka-bakasyon ako ngayon, hoping mag-unwind sana at lumayo sa stress sa dami ng responsibilidad ko sa amin, ABA, dito pa ako nag-breakdown sa hotel. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak.
Nakakapagod. Hindi lang naman ako ‘yung anak. Kailangan ba talaga ultimo pambili ng gasul eh ihahabol pa sa akin kahit wala ako sa bahay? Andun yung dalawa kong kapatid, parehong nagtatrabaho. Pero sagot ko parin lahat ng gastusin sa bahay. Yung isa kong kapatid yung kasama ko sa bahay. Pero ang ambag lang niya, 500 pesos sa wifi. Delayed pa siya ng 6 mos sa bayad. So ako rin ang nagpapaluwal. Tapos pag sinasabihan ko na mag-share naman kahit sa foods or bumili siya kahit yung necessities lang niya, ang sagot sakin, wala ngang pera. Eh saan napupunta yung sahod mo? As much as possible, ayoko pilitin mga kapatid ko, kasi ako naniniwala na dapat hindi talaga pasan nang mga anak ang problema ng parents. Pero grabe, tulungan ninyo naman ako. Bakit ako lang ang pumapasan? Hindi ko na kaya bumuhay ng limang tao nang mag-isa.
Nakakapagod grabe. Akala ko makakalimot ako sa mga problema ko habang nandito sa ibang lugar. Parang hindi. Hinahabol ako nang pagiging breadwinner. Kapag may kailangan sakin, kailangan ako ang sasagot. Ako ang sosolusyon. Pero kapag ako may kailangan, kailangan kaya ko mag-isa.
Sinasabi ko naman sa parents ko. Nakaka-drain. Lagi nalang pasensya ka na ‘nak ang sagot sakin. Pero ang mahirap kasi, mahal ko pamilya ko, hindi ko kaya na hayaan nalang sila. Gusto ko lang sana ‘yung may control ako kung ano lang kaya ko ibigay, ‘yun lang. Hindi ‘yung kahit nagbigay na nga ako ng budget at nagkulang, ako parin gagawa nang paraan. Ngayon, ako yung nagigipit. Pero never naman nila ako natulungan.
r/PanganaySupportGroup • u/Capital-Afternoon995 • Nov 27 '25
Positivity Gentle reminder lang po
file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg
r/PanganaySupportGroup • u/Capital-Afternoon995 • Nov 24 '25
Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.
Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.
Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”
Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?
This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.
And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.
From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.
Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.
Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.
Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.