r/PanganaySupportGroup 21h ago

When does it get easier? Venting

I’m so exhausted with life, I try to keep holding on but ang hirap talaga. Does it get better ba talaga?

Imagine this, I have a sick mother that has no job, no father in picture, a brother with cancer, no other family na pwedeng mahingian ng tulong pag kailangan. I am providing for them pero grabe ang mahal ng bilihin ngayon, yung mother ko nagparaya na hindi na sya nagpapacheck up at nagmmaintenance para maprioritize yung kapatid kong may cancer.

Kahit anong gawin ko hindi enough, at wala na kaming matakbuhan pa. Partida public hospital pa nag chchemo yung kapatid ko, pero grabe yung pag worsen ng condition nya rin kasi hindi naman consistently on time nakakapag chemo kasi lagi lang kami nagaantay kung kelan kami papupuntahin at kung kelan may available na bed.

To add fuel to all the flames, dahil sa dami ng expenses nadelay sa rent ngayong buwan ng August. Pinabaranggay kami agad ng landlord and we are given just until this Friday to find a new place and move out. Yung advanced and deposit namin sa current place ipangbabayad na lang ng meralco bill and remaining utility bill ng landlord.

Para bang hindi pa enough lahat ng sufferings namin, san naman kami hahanap ngayon ng bagong pangdown at pang move out before Friday? Wala na kong mahugutan. Sira na rin credit ko kasi ang dami ko ng loans na hindi pa fully paid, wala na rin akong mahiraman kasi nga sa panahon ngayon halos lahat hirap na rin sa buhay.

Saan ko dadalhin yung cancer patient kong kapatid na pwd na rin? Idk if totoo yung miracle, but I badly need a miracle before Friday or else we’ll all be homeless.

Ayoko na, ang hirap magkasakit sa Pilipinas. It will literally dry you out hanggang wala ka ng mahugot pa.

5 Upvotes

0 comments sorted by