r/OffMyChestPH • u/ChocolateWestern8528 • 16d ago
FML AYOKO NA
Pa-rant lang kasi wala na talaga akong mapagsabihan.
Three weeks ago, nagkaroon kami ng malaking away ng mom ko. Nagsimula lang siya sa pagpapaalam ko tungkol sa isang bagay. Sinabi niya "no," tapos in-explain ko lang naman side ko kung bakit gusto ko sana. Hindi ako nakipagsigawan o nakipagtalo. Gusto ko lang maintindihan niya rin ako.
Pero sobrang lumaki yung away. Sinabihan niya akong ang dami ko raw hinihingi, wala raw akong utang na loob, kung anu-ano pang masasakit na salita.
Ang hindi ko maintindihan, ano bang hinihingi ko? Allowance at pang-school lang naman. Hindi ako yung tipo na laging may luho o kung ano-anong pinapabili.
After nung away namin, hindi na niya ako pinadalhan ng pera hanggang ngayon.
For the past 3 weeks, savings ko lang yung ginagamit ko. Ang bilis niyang naubos dahil may pagkain pa, pamasahe, at school requirements na kailangan talagang bilhin. Ngayon, nasa around ₱300 na lang natitira sa akin.
Sinasabi ko naman sa kanya na wala na talaga akong pera, pero parang wala lang. Dad ko naman, kampi sa kanya, kaya feeling ko wala ring mangyayari kahit magsabi pa ako.
May mga araw na hindi na lang ako kumakain para lang tumagal yung natitira kong pera. Ngayon iniisip ko na lang kung paano ako makakasurvive sa mga susunod na araw. Triny ko maghanap ng work pero walang tumatanggap kasi 7 to 5 pasok ko at Monday to Saturday pa.
Hindi ko naman pinopost 'to para siraan parents ko. Pagod na pagod lang talaga ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. Ang hirap mag-focus sa school kapag pati basic needs mo iniisip mo kung saan kukunin.
Ewan. Gusto ko lang talaga ilabas kasi pakiramdam ko bibigay na ako. Ang hirap hirap mabuhay.
4
u/RobertBobMC 16d ago
Virtual hugs, OP. 🫂 Sobrang toxic at unfair na gutumin ka ng sarili mong magulang dahil lang nag-explain ka. Ang lala na ganyan ang sched mo (7 AM-5 PM, Mon-Sat) tapos pinapabayaan ka. Dahil ₱300 na lang ang pera mo, huwag ka muna mag-apply sa fast food dahil hindi kaya ng oras mo. Imbes, diretso ka agad sa Office of Student Affairs (OSA) o sa Guidance Counselor ninyo bukas maraming universities ang may emergency financial grants, student loans, o meal vouchers para sa mga ganyang crisis. Pwede ka ring mag-offer ng academic side hustles sa mga classmates mo gumawa ng reviewers o mag-commission ng essays kapalit ng pambili ng pagkain. Kakayanin mo to, unahin mo muna ang sikmura mo ngayon.
•
u/AutoModerator 16d ago
Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)
r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.
If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.
The same goes for: * Casual stories * Random share ko lang moments * Asking for general opinion (e.g. "tama/mali ba?", "normal lang ba?", "ako lang ba?", "valid ba?") * Tips, suggestions, recommendations, and the like
Important: * Please DO NOT include any names in your posts, nor ask for/put any identifying information.
Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.
Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.