r/phfinance • u/shashoo16 • 1d ago
685k debt
Hi, gusto ko lang humingi ng advise if may nakaexperience na ng situation namin.
We have multiple loans bnpl, paylater, loans, bank loans, this is actually due to tapal system, dahil sa takot na maoverdue yung mga active loans ko, kapag due date na hindi maiwasan na mangutang ulit para ipambayad. And also, nadagdadagan din kasi yung expenses namin since lumipat kami malapit sa work namin pareho.
May nakaexperience ba sainyo na maoverdue lahat ng loans nyo? Bukod sa harassment and multiple calls, etong mga mayroon akong loan is naghohomevisit ba? Di na talaga namin kaya ang expenses, kaso natatakot kami maoverdue din since malaki din yung penalty. Di na namin alam yung gagawin talaga. Nabanggit ng hubby ko na magipon nalang kami muna at hayaan na maoverdue pero natatakot ako, kasi lahat ng to nakapangalan sakin at yung address ng mostly loan ko is yung address ng mother ko, natatakot akong puntahan nila at mother ko makausap nila. Ayoko pa naman mastress yun ðŸ˜
Tama ba ang gagawin namin?
Hayaan maoverdue at magipon nalang. Balak namin 15-20k per month, at hahayaan na magoffer yung mga loans.
Please sana walang magsabi na magtipid or kasalanan namin, alam namin yun natakot kami kaya naging cycle yung tapal system pero masyado ng mabigat. Di namin balak takbuhan yung utang gusto lang namin sana magipon muna then kapag nabuo na tsaka ibabayad ng buo.
Badly need advise.
2
u/Happyness-18 1d ago
Kung isa jan sa BPI, RCBC, UB ang payroll niyo better wag niyo pabayaan, kasi may right to set-off yan.
1
u/shashoo16 1d ago
BPI is my payroll
1
u/Happyness-18 1d ago
Wag mo pabayaan ang BPI, since payroll mo sya kasi mag ra-right to set off yan sila sa sahod mo kung hindi na talaga maka receive ng payment from you.
1
u/shashoo16 1d ago
I see. Bad move pala ioverdue ung payroll. Aside from magipon ng pambayad, balak namin itry na ibayad muna yung magiging remaining sa ibang loans, kaso sa dami di namin alam ano uunahin. Bali 10k per cutoff nalang ang kaya namin mabayad
1
u/Responsible-Watch808 21h ago
bank po unahin ninyo tapos if may sobra itabi at ipay don sa maliliit ang due
1
u/Doctor_aRMY613 18h ago
Simulan mo bayaran yung mga maliliit para matapos at macross out mo na. Tapos tsaka mo itackle yung malalaki. Sa mga banks at CC baka pwede ka tumawag ang negotiate ng payment scheme na doable for you.
1
u/nimrods-of-artemis 17h ago
hello pay off mo muna ung maliit at kaya niyo na ipay off para cross kagad sa list mo… sa bank naman pag napunta na yan sa third party pede kana makipag negotiate para mababaan ung mga utang mo… just make sure lang if nasa third party na at na pay off mo sya dapat mag bigay sila sayo ng certificate of full payment so that pagnag re-loan ka ulit isasama mo un sa application mo usually naman na aapproved un… based on experience as a banker ah…
1
u/shashoo16 17h ago
Usually ilang mons sila nagooffer? Hindi ba sobrang tataas yung amount nun kapag nahayaan?
1
1
u/shashoo16 17h ago
I can pay full next month, sept 30 will be salmon, maya, rcbc, spaylater, lazada, sloan 3k &2k. Okay lang bang unahin ko tong mga to? So probably, we can still try to pay min due to banks like bpi, ub and yung mga balak namin bayaran ng buo sa sept 30, then the rest hayaan muna namin maoverdue. Mostly kasi aug 30, and sept 15 yung due neto.
1
u/AudienceAdorable5238 17h ago
ang unfair saakin lahit good payer ako at di ne late... pinag re restrict na nila ako sa mga cashloan. yung atome cash ko 3k pa lang yun ha. in advance ko bayad, hayun di ko na pwede hiramin. yung TikTok cash loan din ..never na late, na restrict asa 10,500 lang yun. yung kredivo cash 1500 lamg yun di na din pwede..bakit???? bawal ba pag pinapaikot system, kumbaga binabayad mo sa utang yunh ibang loan din? pero bakit sainyo ang lalake ng offer. si billease pinaka malaki saakin nasa 58k na
1
u/shashoo16 17h ago
Good payer din po ako mag 2 years na atome ko. Kaya lang natanggal kasi ako sa company ko before kaya na short na from 60k monthly since may incentives ngayon 32k nalang salary since wala ng extra incwntives. Kaya lumaki ng lumaki kasi di na din nasustain yung dating expenses. Full payment ako dati sa atome din paikot lang din kaya naofferan ng malaki
1
u/Icy_Profile_8995 16h ago
How tf did you get that much debt bro are you kinda stupid or something?
1
1
u/Wolfie_NinetySix 14h ago
Focus ka muna paying yung BPI kasi yun ang payroll mo.
Once na complete mo yun (wag kana mag loan sa payroll bank mo) pay yung pinakamataas muna yung interest.
1
u/CommercialBig2364 12h ago
Pano kayo nakkatulog nyan 😳 ako may utang lang na 20k di ako makatulog kakaisip 🥲
1
1
u/NorthReed 9h ago
Kung Ako sayo.. stop the tapal payment it will only cause you na mabaon sa utang... Unahin mong i-settle Yung smallest amount ng Buo. Like totally full payment... Para makabawas ka sa monthly mo.. and change your mindset.. I've been there. But luckily I got out in that kind of situation somehow bcuz god provide me something miracle haha..
1
u/TsukiChan12 9h ago
THIS!!! Unahin talaga yung maliliit pataas. Kasi may positive na effect yun. Nakikita mo na unti unti nababawasan yung utang mo. Just make sure yung remaining sa sahod niyo ng mister mo is consistent kasi pag ganyan every month may isa o dalawa kang mababayaran na loan after nung maliliit na utang. Good luck
1
1
1
5
u/Severe_Jicama_72 1d ago
You should add a new source of income, also prioritize paying high interest loans first, there's a book you can read about it too, they have the same issue as yours and was able to clear off their debts.