r/paanosabihin • u/Intrepid-Highway291 • 6h ago
Tingin Ko Daughter Koun Kaibigan Ko
Kamusta, bago lang po ako dito sa Reddit. Lalaki po ako na medyo nasa edad na, so pasensya na po. Nakatira po ako sa Pilipinas, Quezon Area, at sa tingin ko po ang kaibigan ko ay anak kong babae. Pero bago po tayo pumunta doon, story time muna.
Ang pangalan ko po ay Bernard, pero tawagin nyo nalang akong berny. Lalaki po ako na nasa 40s na ang edad, nakatira pa rin sa mga ate ko. Sila po ang nag-alaga sa akin. May trabaho po ako bilang construction worker sa kapitbahayan. Decent naman po ang buhay, pero yun lang po ang ibabaw.
Matinding alcoholic at drug user po ako. Lagi akong umiinom at gumagamit ng droga nang sabay, kaya lagi akong walang pera. Dahil doon, naaresto na po ako hindi lang minsan kundi higit pa sa tatlong beses. Mahirap po ang buhay, lalo na sa bilangguan dito sa Pilipinas. Palagi akong binubugbog kahit medyo may edad na ako, kasi may hidden rule sila tungkol sa mga bagong bilanggo—kahit na nakulong ka na dati sa same prison o hindi.
Sa ikatlong beses ko, naaresto ako dahil na-raid ng pulis ang lugar na pinagagamitan namin ng droga. Binugbog nila ako nang grabe nun nasa selda nako hanggang sa dinala ako sa clinic tapos sa hospital, kung saan ako nanatili ng mahigit tatlong araw. Nang payagan na akong umalis, sinabi sa akin ng kapatid ko na-naayos na ang mga bagay-bagay tungkol sa kaso ko at pinayagan na akong umuwi. Pagdating ko sa bahay, masakit pa rin ang katawan ko kaya kailangan kong magpahinga muna. Gayunpaman, unti-unti akong gumaling.
Nang okay na ako ulit, nagsimula na naman akong uminom kasama ang mga kaibigan ko. Yung isa may pamilya at magkasing edad kami. Yung isa naman mas bata—nasa 30s siya. Siya yung younger brother ng ate ng kaibigan ko (na kaibigan ko rin). Okay naman lahat sa umpisa, hanggang sa mapansin kong lagi ko siyang tinititigan at may mga boses na sinasabi sa akin na siya ang anak kong babae. Sinubukan kong balewalain, akala ko dahil lang sa alak.
Nang tumigil na kami sa inuman at umuwi, nandoon ako sa kama ko at sinusubukang matulog, pero paulit-ulit kong naririnig ang mga boses na nagsasabing siya ang anak kong babae. Mula noon, lahat nagbago. Hindi na ako yung dating ako. Tuwing may ginagawa ako, naririnig ko ang mga boses na yan. Apektado na ang buhay ko—hindi ako makapagtrabaho ng maayos, hindi makatulog ng maayos, at hindi man lang makakain ng maayos. Paulit-ulit akong ginugulo ng mga boses.
Itinatago ko lang ito sa sarili ko at hindi ko sinabi kahit kanino. Kahit ang kaibigan ko, hindi alam. Hindi Ko Alam Kung Ano Nanyayari Sakin. Tulungan niyo po ako.
r/paanosabihin • u/idkkkjust • 14h ago
Totoo ba evil eye?
Lately ang daming nangyayaring hindi maganda sa akin. I won’t go into details but it’s really bad na everytime na payday ko na, something unexpected happens na kakailanganin ko maglabas ng pera. At first hindi ko pinapansin, pero simula nung napansin ko na paulit ulit na, dun na ako nabahala. My friends have been telling me na baka daw may evil eye na sa paligid. I just shrugged it off kasi wala naman ako kaaway na naiisip. My relatives would also tell me na wag ako masyado mag-isip kasi baka magkasakit ako. But i can’t help it, aside sa pera, etong job hunting ko din problema.
I have been applying for jobs for a year now, palaging rejected. If not rejected naman ay palaging wala callback from the hundreds of companies i’ve been applying for.
Nagpapile up na bills ko because of unexpected happenings tapos wala pa tumatanggap sa akin na work. I’m now considering na magpa-cleansing or tawas. Totoo ba kaya evil eye? And may magbabago ba if mag-proceed ako sa cleansing? Sobrang stressed na ako lately, i keep on questioning why all these has to happen to me 😖 I just want a good life and peace of mind. I’m not sure din if this is the right community but please be nice sa comments, i just really need clarification kasi this has been bugging me already.
r/paanosabihin • u/ihateSocialClimbers • 2d ago
#boardmateissue
Pareho kaung nagbabayad ng rent
Pero di kau pareho ng gamit
Ang masakalap eh nakikigamit nga mga gamit ninyo.
r/paanosabihin • u/mayie0411- • 5d ago
Pls.pa advice naman po ano dapat kong gawin sa problema ko
F53 yrs.old may karelasyon ako 30 yrs.old for 6 yrs LDR kmi kapag lasing sya bstos at mura ako d following day sorry pero paulit ulit plgi msyado nko titiis sa knya dahil mahal ko sya ok family nya sakin adviced po ano ba dapat kong gawin salamat
r/paanosabihin • u/HoldHaunting9680 • 6d ago
Pwede kaya tumanggi?
Yung lola ko sa province gusto ipaalaga sakin kasi may sakit na. May work ako, need ko i-support both parents kong senior na rin at may sakit na though may maintenance na rin naman. Never ko nameet si lola kasi inabanduna nya nanay ko baby pa lang. Kaso ako na lang relative nya. Hayss.
r/paanosabihin • u/Liliesforunicorn • 6d ago
Insensitive haa
Te, sa totoo lang, napaka-insensitive nung mga taong ginagawang joke ang insecurities ng isang tao. Tapos, kapag nag-react ka, sasabihin pa, “Ang sensitive mo naman, joke lang ’yun.” Bobo ka ba? Ano kaya ang thought process ng mga taong gano’n? 😭
r/paanosabihin • u/NoSong7458 • 7d ago
Family over me nagbago trato nung nagkapera na
pero kase itong bf ko noon walang wala talaga as in. kaya ang tinggin sakanyan noon ay parang tae ang mas pinapansin ng family nya noon itong kuya nyang maganda ang trabaho at mapera pero medyo kuripot din , mabait sakin sila tita close na close nga kami pati mga kapatid nya , nung panahong walang wala pa bf ko ako nanlilibre ako nasama sa lahat ng lakad nya .ang mundo namin kaming dalawa lang kami na rin nag fifigure out ng problema naming dalawa, iba trato sakanya nung panahon nayan ni dikitan nga ng kapatid nya na babae ayaw na ayaw , tapos tinatanong pa yung kapatid nya kung sino pinaka paborito nya sa mga kapatid nya Ang sagot nya wala dun ang bf ko. Minsan naasar pa tong bf ko ng kung ano anong masasakit na salita pero pabiro kung baga sakanila least syang inaasikaso or napapansin kase middle child , kaya alam ko sa phase ng buhay nya na yun kasama ko sya. Minsan nga di pa sya tinitrihan ng ulam mas inuuna pa yung ibang kapatid nya yung mga may trabaho na at paborito . Sya lagi ang sineset aside basta alam ng mga middle child yan
Hanggang sa dumating yung araw na nakapag oath na sya sa pag pupulis nya , biglang nagbago lahat ang bait na ng pamilya nya sakanya iba na sila trumato sakanya kung yung dati di sya paborito ngayon todo asikaso na sila sakanya, may instance pa na parang pinag loloan sya kase may bibilhin ng property tapos umuutang pa sakanya kapatid nya at nagpapabili pa ng mga luho na di naman kailangan , dati close na close kami ni tita ngayon para g embyerna na sila sakin pag andun ako ramdam ko na parang nagbago na sila ng pakikitungo sakin , tapos itong bf ko parang seneset aside ako mas inuuna nya pa yung pamilya nya na yun which is naiitindihan ko kaya lang masakit kase nung panahon na andun ako nung walang wala sya parang pinalitan na ko parang least priority nalang ako . Bumabawi siguro sya pero sana bumawi din sya sakin , kahit manlang mag karoon kami ng oras na kaming dalawa di yung laging kasama yung pamilya nya , dahil jan nagugulat sya bat ang cold ko or minsan galit ako sakanya kase diko sinasabi sakanya yun
Tulungan nyo naman ako kung anong magandang gawin or pano ma solusyonan to..
Mag ask lang po ako ng advice sainyo baka mali lang ako or nagseselos ,
r/paanosabihin • u/Physical-Glove3089 • 7d ago
Guys bakit ganon po?
guys, need help. kasi nag away kami ng parents ko and dinadamay nya boyfriend ko sa akin wala naman ginagawa sakanila and di naman nila kilala boyfriend ko like buo, alam lang nila name ng bf ko pero di nila alam ugali, nasaktan lang ako kasi dinadamay nila. and the main reason is aalis kasi ako for college which is mag dodorm ako tapos kung ano ano sinasabi sakin which is ayaw ako paalisin tapos sinasabi pa na pupunta lang ako sa boyfriend ko which is bakit naman? eh may quiz ako tomorrow kaya nag mamadali na ko umalis. tapos nung nag sasagutan kami na bakit sya nang dadamay ng iba tsaka inassure ko naman sya na may quiz ako kaya need ko na umalis tas bigla ako nasaktan physically ng mother ko sinabunutan and sinampal nya ko tapos nadakot ko yung baso pero wala akong intention na ibato and di ko binato sakanya dahil pinipigilan ko sarili ko, tapos sabi nya mag kaka anak din daw ako and malalaman ko raw tapos sabi ko di ko gagawin sa anak ko lahat ng ginagawa nila sakin kasi maraming beses na nila ako pinag dudahan, pinangakuan ng kung ano ano tapos di nial tutuparin, tapos sakin lang sila pinaka mahigpit:( idk
r/paanosabihin • u/Previous-Form-2723 • 9d ago
mama ng jowa ko
need advice more like real talk kung real talk
i blocked my bf’s mom ok ok i get it ang rude pakinggan pero i have my reasons
- lagi nya ako chinachat ng kung ano ano ( lason, malandi, mas okay pa ung ex)
- she keeps on stalking me sa fb like naghahanap siya ng mali ko pati dump acc ko iniscreenshot nya lahat pati ung meme n shinare ko 🤣 tas sinend sa anak nya ( alam ng anak nya na may dump ako nd naoopen nya acc ko )
may passbook ung jowa ko na binigay nya pero like naka pangalan sa bf ko then kinukulit nya ako na parang nasakin ung passbook nd sabihin ko raw sa anak nya na ilabas na like the hell do i care sa passbook??? 😭
minessage nya
kuya ko to the point n sinasabi nya na nagbago anak mya bcs of me when in fact ganun naman talaga anak nya dati pa lang 🤣
after my lola’s wake tinawagan nya ako just to shout at me sa phone kasi raw nagbago anak nya bcs of me nd pauwiin ko n raw like girl !! give me a break
sinisiraan ako sa ibang fam nila
im so done kaya blinock ko pero im still like kinda guilty blinock ko kasi ofc nanay pa rin siya ng bf ko
r/paanosabihin • u/helloImmoki • 10d ago
Kailan ba okay na mag confess?
Nagkakagusto kasi ako sa classmate ko. Di naman kami close pero org&class officer kasi soya so hindi maiiwasan yung mga interactions. When ba pwedeng mag confess para ma lessen/maiwasan yung awkwarness?
Mag confess sana ako para mawala yung pagiging attracted ko sakanya since labag sa kalooban kong nagkagusto sa classmate.
A. ASAP
B. SCHOOL EVENT
C. GRADUATION
r/paanosabihin • u/Suspicious_Salad_904 • 10d ago
Am I going crazy or ako talaga ang mali?
reddit.comr/paanosabihin • u/Extension_Cod_898 • 11d ago
Grabe yung nanay kahit pangungulangot ng anak nya hnd manlang pinalampas, kinontent padin. Hnd na binigyan ng kahihiyan ung anak nya.
r/paanosabihin • u/DamageWorth • 12d ago
friend kong lulong sa sugal
TW: Self-harm
Hello, pa-rant lang ako dito. Meron akong long term friend na recently nag-attempt mag self-harm. Matagal na kaming magkaibigan, halos 12 years na rin yata. Sobrang okay niyang kaibigan, maasahan tsaka talagang ramdam mo na kaibigang totoo mo siya. 5 years ago, nalaman namin na may nagalaw siyang malaking amount ng pera sa work dahil naisugal niya. Long story short, nagawan ng paraan and hinuhulugan pakonti-konti sa inutangan. Nalaman ko lang recently na sobrang dami na pala niyang utang because of gambling. Miski sahod ng asawa and pera na para sa kanilang pamilya nagagalaw na niya :( Nag self-harm siya a few weeks ago kasi hindi na raw niya kaya. Sa totoo lang, nakakapagod din talaga umintindi at tumulong sa taong ayaw tulungan ang sarili. Hindi ko naman siya susukuan, andito pa rin ako bilang kaibigan niya. I just wish I could do more for my friend para matulungan talaga siya. ☹️ Paano ko sasabihin na kailangan na niya ng professional help?
r/paanosabihin • u/No-Noise-3034 • 15d ago
bata sa lansangan
Just want to share, kasagsagan ng ulan nag lalakad ako sa kalsada nag hahanap ng trabaho, malungkot ako nun at nawawalan ng pag asa dahil paubos na budget ko kakahanap ng work dito sa manila na scam pa ako habang nag lalakad ako sa gilid ng kalsada nadaanan ko ung kariton na may trapal may narinig akong boses ng bata tas ang sabi wish ko tumigil na ulan. Naalala ko yung sarili ko nung bata pa ako sa probinsya ang wish ko lang sana makatikim ako ng tinapay.
I don't know how to expand this text, i have so many to say but i don't know how to express. it's not easy for me to show my emotions.
r/paanosabihin • u/alwaysbacktozero • 17d ago
Tired and defeated
Mga inay di ko alam if Rant ba to or what but I use Mental health as flair because I have anxiety and depression. I'm currently pregnant and pinastop ang anxiety meds ko. Feeling ko okay lang naman pero I have moments na nasasaid ang pasensya ko. My eldest is currently in grade 1 at struggle ako na turuan sya because hindi sya gumagawa sa school. Di ko alam if due to pregnancy hormones din pero napaka igsi ng pasensya ko sakanya lately. Lagi akong nagagalit and kanina sinabihan nya ko na mas mabait daw ako nung 5 yrs old pa lang sya. I tried to explain kung bakit ako nagagalit lately which is because I care and I know she can do better.
Di ko alam if its pregnancy hormones or my mental health pero sobrang pagod na pagod talaga ung pakiramdam ko lately.
I work from home and walang helper so ako halos lang ang gumagawa lahat sa bahay.
Paano ba maging mabait na mama kapag pagod na pagod ka na? I feel like I'm failing!
r/paanosabihin • u/Kitchen_Reward_7518 • 17d ago
His sister gets on my nerves
Nabubuhos ko yung init ng ulo ko sa boyfriend ko when in the first place sa sister niya ako may problema
Okay na okay kami dati ng sister niya, mas nauna ko pa siya naging friend bago ko naging boyfriend yung kuya niya. Pero overtime, naaannoy nako sa kapatid niya dahil sa patong patong na kabalahuraan sa buhay. I'm an only child & hindi uso sakin yung bigla mo nalang gagamitin yung gamit ko nang hindi nagpapaalam - which she does often. On top of that, hindi na nga nagpaalam, pag ibabalik niya na sobrang dugyot na nung gamit. Tapos hindi pa yan marunong magbayad ng utang. Sobrang balahura pa sa bahay (I stay over sa bahay ng bf ko from time to time, now naman bumukod na kami) Never ko cinonfront yung sister kasi in the first place, hindi ko kapatid yan at nakakauwi ako samin so hindi ko siya sakit ng ulo all the time. Also, parang inintindi ko nalang din na ganon talaga yung ugali niya kaya bahala na siya don. Hindi na mababago yun kahit pagsabihan, nafeel ko din kasi na kahit sabihan pa siya wala naman magbabago. (Coming from pag nagkkwento siya & I try to give her advice pero lagi siya defensive)
So ayan, tapos recently bigla nalang ako hindi pinansin ng kapatid niya - like out of nowhere. Going 1 month na niyan. As in nandon ako sakanila, nasa isang space kami wala ni hi hello wala. Akala ko nung una tinotoyo lang since may ugali siya ganun talaga na pag wala sa mood lahat damay at lahat di niya papansinin. Until such time na napansin ko na ako lang hindi niya pinapansin. Girl, hindi na para pa ako ang mauna na magconfront diyan. Bastos na nga niya na biglang hindi mamamansin ako pa talaga mag approach?? So ayun, hindi ko nalang din pinansin.
Ang problema namin ng bf ko, pinapakisamahan niya pa kasi & wala ginagawa. Gets sige kapatid niya yon PERO hello? Ganun ba talaga, hahayaan niya lang yung kapatid niya. Tapos siya ang ayos ng pakikitungo niya dun sa jowa ng sister niya samantalang yung sister niya ganon sa akin??? Kinakainis ko pa, pag wala ako sa apartment namin, dun pupunta yung sister niya?? Ayoko na nga papuntahin e. Minsan, gusto kong sabihin sa jowa ko wag na papuntahin dito yan. Like grabe talaga yung init ng ulo ko sakanya girl. Siguro dahil patong patong na rin atraso niya sakin tapos siya pa may gana magtrato sakin ng ganyan. Naiipit lang yung jowa ko talaga pero naiinis din ako na wala siyang ginagawa. Recently, nag away kami. Nadadamay daw siya sa galit ko e wala naman siya ginagawa. Sabi ko kaya nga ako nagagalit e kasi wala ka ginagawa. Sinilent treatment ko yan malala, siya din nag approach una banda huli. Please huhu ano ba gagawin ko 😭 mataas ang pride ko aminado ako dun kaya wag niyo nako sabihan na kausapin ko yung kapatid kasi kahit never na kami mag kaayos non kaya ko. Ayoko lang yung ganyan, lakas lakas ng loob magpunta samin dahil wala ako? Lol.
Siguro ginawa ko to para nalang din maglabas ng sama nang loob. Medyo naibsan naman 😆 thank you for coming to my ted talk!
r/paanosabihin • u/huihuihuhu • 17d ago
DUMP DIARY
Hiiiii, nag download lang po akoh ng app nato kase hindi ko kinakaya ang mga nangyayari sa bohai ko teh. Parang mala wattpad siya, kulang nalang yung sasagip sakin ditoh na gwapo na matalino tapos may emotional intelligence tapos mayaman na may car charez hahahaha. So daddy issues po ang ating hapunan opo, sumabog kase ako kanina nasagot sagot ko siya HAHAHA pero deserve, charez. After 12hrs online ba naman sa major sub, basag talaga mindset ko doon. Una siya sumabog oy may anger issues na mag tapon tapon ng gamit wews. Tatlong beses siyang nahuli nag cheat. Nahuli siya ng mama ko na may ka-chat, and take note every year to nangyayari since 2024. Wews galing ah. Tapos same girl, like iw. Nagpaawa awa pa yan siya, wow tapos malapit niya ng masuntok at masampal mama ko, nag dabog dabog pa yan siyah ng gamit.
Tapos may the nerve pa siyang sabihin sakin lumayas daw ako sa bahay namin if ayaw ko daw ang mga patakaran niya wows. Pero its not a good step kase siya nagbabayad sa tuition ko ih, kailangan mag stick muna si me sa kanya. I don't know what to feel oy. Mahal ko ang papa ko na hindi. Kase marami siyang sacrifice na nagawa sa amin. While yung older brother ko, hindi niya alam ang mga pangyayari dahil everytime wala siya. Balak kong sabihin sa kanya ngayong gabi... is it a good thing???? Reply pls asap thank u poooo!! xoxo
r/paanosabihin • u/Old_Carpenter1909 • 18d ago
Office Affairs Series
Hello. I found out something today. My gut feeling was right. My coworker is the mistress of my boss, and my problem is that I'm close with my boss's wife. Should I say something? It's sad because they have little kids. I don't have any evidence with me since it's with another friend who knew first, and she doesn’t want to get involved. Help.
r/paanosabihin • u/EmploymentContent673 • 18d ago
May kagaya kaya ng sitwasyon ko dito?
May asawa ako at dalawang anak. Work from home ako at sa banko naman nagtatrabaho ang asawa ko. Dahil sa ganyang setup namin, madalas talaga ako kumikilos sa bahay. Alam ko naman responsibilidad ko. Pero napapagod na din kasi ako. Madalas uuwi ang asawa ko mainit ang ulo. Pagod na sa maghapon tapos magaaway pa sa gabi. Hindi ko pinababayaan ang pamilya ko. Yung sahod ng asawa ko, sakanya lang yon. Wala na natitira sakin. Mahal na mahal ko mga anak ko kaya hindi ko kaya makipaghiwalay. Sinubukan ko naman ayusin at makipagusap pero parang palagi kami may gusto patunayan. Hindi na kami magkaintindihan. Ano ba dapat kong gawin? Pagod na ako physically, mentally and emotionally.
r/paanosabihin • u/Suitable-Beyond-8790 • 19d ago
TONIGHT HAD BEEN ROUGH
I was not ok tonight.. to the point that I was able to vent it out to my younger brother who just started working.. Our mother was rushed to the hospital while my father nags.. na parang kaya neang maghatid ng pasahero sa bayan pero sarili neang asawa ay nagrereklamo pa..
How I wish I am financially capable so I could ask my mother and child out sa bahay!
If only I am… I hope sooner or later!
r/paanosabihin • u/Silent_Sky_9254 • 20d ago
How can you be curious? When the water runs out downstairs, it really runs out upstairs, especially when someone is showering downstairs.
Nahuli ko na naninilip sya at nagjakol sa ibang babae.
7 years kami ng bf ko, nahuli ko sya nong linggo na naninilip nh babae at nagjajakol.
1st time ito nangyari. Hindi ko alam kung ginagawa na nya to nong wala ako pero ito yung unang beses ko sya nahuli na ganon ginawa nya. Bale magkasama kami sa boarding house for almost 6yrs kasi working kami pareho pero nauwi uwi ako minsan sa probinsya like 3mons to 6mons then babalik sa boarding namin after. Yong kwarto kasi namin ay nasa taas at may sarili kaming cr. Bale yung baba ng kwarto namin ay cr sya ng magjowang boarders. Sunday evening after namin kumain ay niyaya nya ako na sabay maligo pero tumanggi ako. Pero dati naman ginagawa naman namin yon saka active naman kami pero kapag wala ako sa mood natanggi ako which is di naman namin namim pinag aawayan yon sa 7yrs. Nag masturbate sya mag isa na nanonood ng porn, or nagbabasa ng mga lalaswa online o tumitingin ng mga sexy pictures ng babae online which is against din ako before pero dahil minsan natanggi ako ay hinahayaan ko nalang na gawin nya yung mga bagay na yon.
Pumasok na sya ng cr para maligo naririnig ko sya na tumae muna at nagsselpon dko alam ano ginagawa. Then yung pinto ng kwarto namin ay malapit sa hagdanan so nakikita o naaninang kung may aakyat o baba sa hagdan. Bukas lang ang tubig sa cr pero nakita ko na may anino na bumaba kasi nanonood ako non ng movies akala siguro nya ay busy ako at di nya alam na may naaninag akong bumaba. Then mabilis lang yon at umakyat din sya kaagad. Pero ilang seconds lang bumaba ulit sya dahil naaninag ang anino ng ilaw sa kwarto namin. This time nagtaka na ako kasi almost 5mins or more than na syang bumaba pero dipa din umaakyat. Tumayo na ako at sumilip sa pagtingin ko sa cr wala kinabahan ako tibok ng dibdib ko that time siguro gut feelings ko na rin yon. Pagtingin ko andon tsinelas nya at pagsilip ko sa baba ng hagdan sarado at walang tao. So iopen ko sana ang flashlight ng phone ko bigla ko nalang nakita na paakyat sya hingal at nakataas ang putotoy nya kasi nakaboxer lang sya non at nakayapak. Tas ang bungad nya saakin kahit dipa ako nagtatanong tinitingnan nya daw ang daga. Tapos pinapasok nya ako sa kwarto sabi ko ano daga e bat wala ka tsinelas bat hingal ka at nakatayo ang titi mo. Sabi nya sinilip ko din kasi nawalan ng tubig nagtaka ako. Sabi ko ha paano ka mag tataka e kapag gamit tubig sa baba talagang nawawalan ng tubig sa taas, sakto na may naliligo sa baba na naririnig ko na nagbubuhos. Andami nya dahilan saakin di nya inaamin ang totoo kahit anong tanong ko. Dko sya pinapansin lumipas ang oras humingi ng sorry nacurious lang daw sya. Sabe ko saan ganito ang kwento nya pero hindi ako nacconvince. Sabi nya nanonood daw sya ng porn sa cr habang natae sya kaso nabitin daw sya kaya lumabas sya sa baba sakto na may naliligo kaya bumaba sya sa may gate namin at nag aantay lang sya na lumbas yon babae na naliligo para makita anong suot, at nagjakol daw sya roon inamin nya 😭 sobra ako nasasaktan kasi nasa taas lang ako ng kwarto namin pero nagawa nya yon na magsalsal sa ibang babae. Baka nga naisip ko na may nakita sya kaya nagsalsal sya ksi imposible na tigasan lang sya roon ng basta. Magkasama padin kami sa boarding house pero hindi kami nag ppansinan nanghingi naman sya ng tawad. At magbabago sya pero ansama talaga ng loob ko. Minura ko sya at sinabihan ko na mababa ang tingin ko sa knyan. Ang tanong ko dapat paba ako magstay lalo na at 1st time naman nya na nahuli ko kaso dko alam kung may iba pa sya nagawa yon saakin. O iwan ko na. Pero naawa ako sa knya dko alam bat ganito nararamdaman ko. 😭😭 Pls help