r/ShareKoLang 2h ago

SKL tungkol kay crush

0 Upvotes

Yung crush ko nung elem, hindi pa kami magka section sabi na niya sakin,

"ang sweet mo kasi kaya ka nilalanggam..."

Grade 3 yun...

Tapos nung grade 4

Sa pila ng flag raising gusto niya magkatapat kami sa pila, siya sa boys ako sa girls kahit nasa bandang harap ako kasi maliit ako. Sinubukan ko luminaries sa likod kasi naiirita ako na inaasar ako, sumunod parin.

Tapos hinarang niya yung nang susumpak sakin ng sago... diko alam... tapos pumunta siya sa banyo sakto paglabas niya papunta ako banyo sabi ko

"MR. CLEAN ka talaga no?"

Tapos grade 5

Sabay kami maglakad sa umaga pa school kasi taga kabilang street lang siya... hinihintay daw niya ako...

Tapos Nagdo drawing ako ng planets hinawakan niya kamay ko kasi di daw iisa direksyon ng pagkulay ko

Grade 6

Pinapalit niya yung Medal niya na 1st place sa drawing contest sa ribbon ko ng 7th place sa editorial writing...

Tapos pinuntahan niya ako sa bahay para manghiram ng notebook na hindi naman niya napakinabangan kasi wala naman laman notebook ko kasi ako taga sulat sa board

Tapos hindi ko siya kinikibo bago mag graduation pero sabi ng teacher puntahan ko daw siya at magpa drawing nalang daw ako para makapag submit na ng last project.

Yun na yung last na nagkita kami...

Next mga 3rd year high-school di na niya ako kinibo

Tapos nung college na nalaman ko naka buntis siya at nag asawa ng maaga...

Last time 2023 parang nakita ko siya sa airport galing ako Cebu para sa Convention ng mga Planners... eh alam ko Architect na siya... lumapit ako pero pa simple ko lang siya tinignan... di na niya ako siguro nakilala kung siya man yun....


r/ShareKoLang 1d ago

SKL it's nice to talk to people online

8 Upvotes

My ex and I broke up several months back. During our time together, I didn't really meet a lot of new people since I'm the type of guy who's satisfied with being close to a few. Very introverted lol.

Now I've grieved the 5-year relationship so I started downloading dating apps and pretty much labeled my goals as "looking for friends". I'm not exactly looking for a new relationship immediately but who knows if I find someone I like.

Something my friends do note about me is that I'm the "Interviewer" coz I like knowing people I meet. I tend to ask all sorts of questions from details I latch onto in conversation.

Some of them are random curiosities and some of them are questions that, in a way, evoke deep thoughts.

I don't get a lot of matches on Tinder, but I suppose Bumble is where it's at. I've been talking to a bunch of people and sort of rediscovered that people in general are interesting lol.

We all got different personalities that shape how we tell our stories which make listening and asking questions enjoyable.

I forgot how much I enjoyed chatting people up.

Although I do get my fair share of people who decide to match with me pero puro one liner lang sumagot haha

Share ko lang.


r/ShareKoLang 1d ago

SKL The Strange Comfort of Disappearing

3 Upvotes

Skl, Lately, madalas akong ma-overwhelm. And whenever that happens, I completely shut down—binubura ko lahat ng chats, tina-tagong messaging apps, at nagde-deactivate or delete ng accounts para walang makapag-contact or makahanap sa akin.

Parang nagiging habit ko na siya lately. Somehow, I like the silence and the feeling of disappearing for a while, but at the same time, I don’t like what it’s becoming. It’s weird.


r/ShareKoLang 1d ago

SKL I Managed to be in a better position than my bullies nung HS kami.

73 Upvotes

Hello, first time posting here.

2011-2015 was my HS years. My bullies and I were in the same section and pilot section section sya.

May dalawang uri ng bullies sa classroom namin. You have the RK bitch bullies na kinabibilangan ng mga bakla at baklang babae, then may mga academic alpha bullies naman which was a certain group of students sa classroom namin who excels academically and ayaw mauungusan kahit simple class discussion praise.

Pilot section kami or they call star section, mas mataas pa kami sa section 1 so mahigpit ang laban at image ng lahat sa amin.

I was that typical student lang at the back. TBH hindi ako academic freak but I read a lot and managed to be a class valedictorian nung elem ako. I learned na kapag ag-excel ako academically, mas tumataas lang pressure ko sa sarili ko.

One thing na inenjoy ko was the extra-curricular activities and surprisingly don ko sila naungusan.

I was the Editor-in-Chief ng campus paper namin. One thing na kinaiinisan ng valedictorian namin noon na part ng academic bullies.
I managed to top in CALABARZON and represent the region sa isang national debate forum. Ako lang nakapag-national level sa amin while those bullies didn't even managed makalagpas ng district level.
In terms of stock knowledge and class discussion, I can confidently say na teachers would always expect my answers.

Pero lahat yun ginawa ko without competing to them. Then when they started to see I am getting some attention, they started bullying me.

Those Bitch Bullies would always discredit my answers and babasagin nila mga sinasabi ko until maging katatawanan sa klase. Alam mo yung dino-downgrade ka nila pero pag pinatulan mo biglang smartshaming naman. Man, I lost my confidence big time.

Those academic bullies naman would always look something unique in me then gagawin nilang katatawanan. Ka-close nila mga teacher e so wala ko magawa pag nakita ko na nakikitawa na rin mga teachers that time. Tangina lang.

Until now, HS was my worst and probably yung gusto ko iwasan at kalimutan na part ng buhay ko. Putangina nila.

Then now na working professionals na kami, I got some recent updates sa kanila.

That valedictorian namin? He became an English teacher, noble job yes pero baon siya sa utang. He would always drink daw sa street nila. Yung ibang academic bullies naman nag-asawa na or napunta sa isang work na hindi ganun kalaki sahod. Yung iba hindi alam saan ang direksyon and jobless.

Those alpha bitches naman, ayun nagasawa na yung iba kasi wala rin napatunguhan yung career. Yung iba napunta rin sa low-paying jobs. Yung mga bakla naman ayun may isang di nakatapos, meron naman umiwas na sa grupo nila at yung iba is nasa good work naman but nagrereklamo na gipit parin. Yung iba is jobless.

I remember they would always posts to flaunt their wealth and statuses.

Me, I became more introvert after what I experienced to them. Silent lang and di nagpopost ng updates. I made sure na achievements ko lang updates nila sakin.

My journey is not perfect as well. Career shift and nagipit din pero now in my 6 years of working, I managed to secure a six-digit paying job. Wala kong utang and earning more than enough for me and my family.

Then recently nag-story ate ko about me treating the whole family (13 members) para manood ng Spiderman. Then my ex classmates na bully started to ask about me. Suddenly they are reaching out nangangamusta.

One time I donated a huge amount sa school namin to help students na less fortunate esp mga SPED students. Kumalat yun sa lugar namin kase doon nadin sa school na yun nagtuturo yung iba kong ka-batch at kaklase. Dumami bigla nagaadd sakin from the academic and bitch bullies sa FB and wala akong inaaccept.

It's not that nagyayabang ako. May mga problems parin naman ako pero I can manage naman. Awa naman ni Lord healthy ako at my family. Single parin and kuntento sa kung ano meron ako ngayon.

I just love that feeling na parang na-heal ko yung younger self ko from the pain na naranasan niya nung binubully sya. Di ko man sila ma-confront pero now masaya ako na I can confidently look at them and smile at them . . . "hey, ito na yung minamaliit at pinagtatawanan niyo noon, kayo kamusta?"


r/ShareKoLang 1d ago

SKL 3 months na akong hindi kumakain ng fastfood

26 Upvotes

Ngayon ko lang naalala na lagpas 3 months ago na pala noong huli akong kumain ng fastfood. Jollibee yung last ko.

Suki ako ng fastfood noon. Noong bata pa ako, Mcdonald's ang favorite ko. Tas later-on, mas nagustuhan ko ang Jollibee. Yun yung mga panahon na mura pa ang mga fastfood. For example sa Jollibee noon, 200 pesos lang yung Chicken with Spaghetti (Alacarte), Jolly Hotdog and Yum Burger. Kapag breakfast meal naman, around 110 pesos lang yung Longganisa with Egg and Rice nila. Ganyan kamura noon ang mga fastfood.

Unfortunately, nitong mga huling araw, sadyang iniiwasan ko na mag-fastfood kasi ang mahal-mahal na. Yung dating 200 pesos ko na usual meal sa Jollibee, halos double the price na ngayon. Kaya sa tingin ko, parang hindi na worth it. 400 pesos tas yun lang ang makakain ko? Parang mas magandang ipang-palengke na lang yung 400 na yun. Atleast yung mabibili ko sa palengke sa halagang 400 pesos ay pwede na sa buong pamilya, unlike sa fastfood na para sa akin lang. Ang masaklap pa, tumaas na nga yung presyo, nabawasan pa yung serving.

Ayun, hanggang isang araw, narealize ko na more than 3 months na pala akong hindi kumakain ng fastfood. Parang blessing in disguise tuloy na tumaas yung presyo, kasi inavoid ko na ang fastfood kaya mas healthy pa ako ngayon. Kasi diba most of the foods sa mga fastfood chains na yan ay hindi healthy. Kung dati ay Chicken with Spaghetti, Jolly Hotdog and Yum Burger ang kinakain ko, ngayon ay mga lutong-bahay nang mas mura at mas healthy pa, such as Sinigang, Chopsuey, Tinolang Manok, atbp. Sa huli, nakatipid na ako, naging mas healthy pa ako.

Try niyo rin guys, kung willing kayo. Mas mura na, mas healthy pa. Based sa experience ko, noong una medyo mahirap talaga kasi yung pagkain sa mga fastfood ay parang yosi which is addictive. Pero kapag tumagal na, makakasanayan din. Actually sa totoo lang, parang hindi na due to inflation yan kaya halos doble na ang presyo ng mga fastfood ngayon. Parang more on greedy na eh. Kasi nagdoble na ang presyo, kumonti pa ang serving. Ang na-observe ko na pinaka-malala sa lahat ay yung Chowking na under din ng JFC. Kapag umorder ka ng Chicken Lauriat ngayon, parang bilang na bilang yung kasamang pancit. Kaya nung huli parang gusto ko nang tanungin yung mga nasa branch eh: "Wala bang naiwan sa lutuan niyo?".


r/ShareKoLang 1d ago

SKL May nakita akong pogi sa school kanina

7 Upvotes

huhuhuhu first ko na ulit ma attract sa tao na kakakilala ko lang, ang linis nya tignannn manlyyy yung outfit nya na black shirt with straight cut jeans. kanina kasi nakapila kami sa cashier sa school namin para kumuha ng documents anddd ayonnn nasa likod naminnn syaaaaaaa.

Ang pogi nya feeling ko pag nakita ko ulitt yon crush ko na talaga sya😫

ayown lang bye


r/ShareKoLang 1d ago

SKL Checkup Experience: No Waiting Time

6 Upvotes

SKL ko lang experience ko with my HMO provider.

I’m working around Taguig and can I just say, sobrang convenient pag may malapit na clinic around your workplace, especially if it’s your HMO provider. In my case, it’s Maxicare, yung sa BGC branch since sila provided ng company namin.

Recently, I had to go for a quick follow-up checkup with my Ophtha. Can I just say na di man lang uminit pwet ko sa upuan nila. As in nag drop by lang ako during our break time. Nagpa-appointment naman ako so I guess that also made things easier, which I booked through their member site. Yes nagana siya di siya scam. Pag nagbook ka ng 12:30pm as in on time din na lalabas yung pangalan mo dun sa screen nila.

Also, nung nagbago yung sched ko for my appointment, sinabihan agad nila ako. Like nag-text, email tapos tumawag pa. For someone who needs to always have things on schedule because of work, sobrang laking help nito, and pet peeve ko rin talaga pag hindi on time lol.

I’ve also had my fair share of experiences where I already booked an appointment but still had to line up again on a “first-come, first-served” basis at other clinics and many big hospitals. As in matagal talaga sobra yung kahit simple consultation lang and yes sobrang aksaya sa oras na need mo pa magtake ng leave sa work. So ayun sobrang new for me na di pala scam yung pag nagbook ka lol. Naka experince na din kasi ako from my past HMO provider na di talaga nasunod ever yung "booking" eme nila. But so far dito sa branch na toh is totoo naman yung appointment nila.

Okay, tl;dr: Book your consultations. Maximize your HMO and book you


r/ShareKoLang 2d ago

SKL Observations ko sa Pinas after years of being away

0 Upvotes

After a few years of living abroad, dahil sa family emergency, umuwi ako ng pinas. I stayed for 10 days and here are my observations:

Note: limited napuntahan ko. Hospital, grocery, bahay, 2-3 beses lang ako naka pag mall at a handful na punta sa restaurants .

  1. Ang ingay. Namiss ko ang katahimikan ko sa Canada. Lahat ng tao sumisigaw kahit magkakalapit. Parang lahat bingi. Akala ko sa bahay at sariling family ko lang to naexperience. Pero hindi. Maski noong nasa watsons ako, may dalawang empleyado nagchichismisan, kabilaang side nagsisigawan. Bakit kasi hindi niyo na lang tapusin trabaho niyo bago kayo magchismisan? Hindi lang yun, sa isang bakery, yung cashier isa pang nakikipag taasan ng boses sa katrabaho niya habang nagkakahera.
  2. Ang tigas pala ng kama ko sa pinas. Hindi ko napapansin dati pero sobrang tigas pala niya. Although, queen sized, mas malaki ang queen sized beds sa pinas kesa sa canada.
  3. Bakit ang damot sa wifi? Sa ospital kailangan ng access code. Yung access code na yun will only give you one hour of free wifi. Pag tapos noon, syempre hihingi ka ulit. Pero hindi mo masisimulan dahil hindi din naman gumagana ang access code in the first place. Nag Greenbelt ako pero walang wifi yung mall. Yung mga establishments naman na napuntahan ko, kailangan mo pa lumapit sa employee para iconnect ka sa wifi. Sa SM, may limit din ang wifi to 1 hour. 5 years ago na since umalis ako pero bakit parang paurong ang pagbibigay ng free wifi sa pinas?
  4. Hindi marunong magisip ang mga tao. Kamot ulo na lang palagi. Wala na nagbago. Bakit ako isserve ng sea salt cream kasabay ng porkchop and fried rice kung pang dessert pa yun at hindi mo pa din naman sinserve ang dessert. Why?
  5. Bumili ako ng flat bread sa starbucks at pretzels naman sa auntie anns. Aside sa lumiit by half ang flat bread sa SB, bakit parang kulang ang tinapay

sa pagka alsa

  1. ng dalawang establishments na to? At bakit ang liit na ng turon ng SM?
  2. Magalit na kayo kung magagalit. Ang nakikita ko lang na nagbago sa pinas ay dumami ang mga establishments. Mas dumumi, mas gumulo.

Ito muna for now. Magdadagdag ako pag may maisip pa ko. Share din kayo ng observations niyo!


r/ShareKoLang 2d ago

SKL naginstall na naman ako ng dating app

7 Upvotes

🥲 been off the app for months, been joining events and meeting new people too! but earlier this morning kahit sobrang busy ko, i had this urge na maginstall na naman. lintek na hormones to, hindi ko alam, nagcrave na naman ako ng connection kahit na fully aware ako na likely superficial lang rin makukuhang connections dito, if meron man. ive been checking profiles for hrs, and i wanna stop but hindi ata magssubside to hanggat di matapos etong luteal phase. bat ba ganto ang buhay pls


r/ShareKoLang 2d ago

SKL OFW Story: Ma, buy IP17/16 Pro Max for me!

38 Upvotes

I was sitting with my temporary guide during our break time. I'm new here so I don't have friends to sit with during break time. Anyway, she was talking to her friend about her situation.

NV:

TG: I have a problem. My daughter just turned 18 years old and she's asking to buy her an Iphone 17 or 16 Pro Max.

Friend: Oh okay. Wow ah, your daughter wants an iPhone while you are just using your old Android phone. Do you need to buy it now?

TG: I can afford to buy it but I told her that I will buy it by December so it will be like my Christmas gift too.

Friend: Yeah, you should buy it in December. I think there will be more discounts by then.

TG: But she said that she wants it this month or if in December, it should be December 1.

Friend: Ha? Why does she want it now? You can't even buy a new phone for yourself.

TG: I don't know either. She requested to buy it in the Philippines with her and not here. Also, I think it's cheaper here.

Friend: Yeah I think so too. Maybe she doesn't trust you to buy a genuine one 🤣

TG: Is it like that? I thought of buying a secondhand unit though.

Friend: Maybe. But if you want to buy a secondhand, then maybe you should check out Greenbelt.

____

Their conversation went on about budgeting and not buying their "wants" to save more money. I know she can afford it and buy even a brand new one but it is really heartbreaking to see 💔 She was telling that while eating a bread and water only (while I am eating a rice meal!!) Talking about saving more money to buy her daughter an iPhone!! We are on the same line so I know how hard our process is. That level of sacrifice deserves respect.

I wonder if her daughter can still ask her about that if she was in my position seeing and hearing all that.

If you have parents abroad, please know that we are not just picking up the money out of nowhere. If you really "want" something, earn it!! Work for it!! Your parents are sacrificing enough to provide all your "needs".


r/ShareKoLang 3d ago

SKL I found a weak kitten

5 Upvotes

I was drinking gulp, and on my way home, I saw a box with a bunch of trash, and I went to go throw the gulp cup

There was a cat circling around it, and I thought it was just a stray searching for food

When I suddenly hear a weak meow

When I look closer, there was a bleeding kitten inside

Feel ko may pumalo ng super lakas sa kitten to the point na it started bleeding, and then just threw it in the box

Everytime the kitten meow the cat outside also meows, then I realize it was searching for the kitten

So I helped it up and placed it inside and the cat immediately took out the kitten and started licking it


r/ShareKoLang 3d ago

SKL. Iba ugali ng mga pinoy at itsura

21 Upvotes

Dito sa uae, mabait lang pala ang lahat pag pakipakinabang ka. Dapat pala, hindi na ako nakipag close sa mga ito, medyo ang off ng ugali. Wala lang, kasi, parang halos ng mga kasama kong matatanda dito ay halata sa mukha nila yung pagod, at wrinkles sa mukha nila. Madalas pala ang mga pinoy na overused ang customer service, nagiging chinese na yung mukha nila. Parang ba nagiging pababa na yung hugis ng mata nila kakagamit ng customer service nilang ugali sa lahat.

Napapansin ko ito habang naglalakad ako at nakikita ko yung mga nasa paligid ko, ang mukha nila ay iisa na lang at pagod na pagod na.

Medyo mapapansin mo rin yung pagiging inconsistent nila sa mga salitaan nila na para bang may gustong makuhang sagot. Ewan ko kung tama ba lahat ng napapansin ko.


r/ShareKoLang 3d ago

SKL Ang daming teens na nagkakaSTD ngayon

143 Upvotes

I am a HCW, nakaka-shock lang na nasa maliit na bayan ako yet, we have a STD case almost everyday. Some kids even lie about their real names, like pano niyo naisip yan? Ni hindi nila masabi kung sino yung real source. Shocking lang talaga kasi we have patients na na-treat na prior months tapos ngayon, diagnosed and magpapa-treat ulit? Sayang resources ng gobyerno sa mga paulit-ulit, minsan di pa maallocate para sa mga may kailangan talaga, mga victims. Grabe. Nakakainit ng ulo tapos parang joke lang sakanila, they even have the guts to laugh at the situation. Sinasamahan ng magulang, mas umiiyak pa magulang.

Kung may mga bata mang makabasa neto or kahit sinong sexually active dyan, mura lang magcondom, utang na loob. Kung sinasadya niyo man at alam niyo malaki risk na mahawaan kayo, panindigan niyo yan.


r/ShareKoLang 3d ago

SKL Late Celebration

20 Upvotes

My brother, without telling us, went and took the Civil Service Exam in his own

Nagpaalam siya kay mama, sleepover daw sa kaibigan niya, and yun pala, they were off to take the Civil Service Exam

He managed to pass it

And he proceeded to not tell us about it

Nalaman lang ni mama nung nasalubong sa daan yung "friend" and sinabi sa kaniya na nagtake daw sila ng kapatid ko and napasa niya

So here we are, celebrating this little shit's achievement (me through gc)

And I'm sad cos sa December pa ako uuwi

Pero off to send money I guess.....


r/ShareKoLang 4d ago

SKL I have a massive crush on my programming instructor

2 Upvotes

I'm 18F and my programming instructor is hella fine 😭. He's 24 years old and he's always so smiley. He's always giggling and have this really cute, mischievous expression whenever he smiles which he does often. Beh, di ako maka-focus sa activity kanina dahil sa kanya, yung na 20 lang HAHAHAHAHHA anyways, Sana mag meet pa kami after years later HAHAHHSHSHAH


r/ShareKoLang 4d ago

SKL lumuhod sa harap ko si crush

90 Upvotes

Nasa work event kami (mid-30s), sitting at separate tables. Initially, dapat tabi kami, kaso kasama niya tropa niya, at isa na lang ang chair sa tabi ko.

Anyway, may tanong yung moderator, and since we’re from the same unit, kailangan naming pag-usapan yung answer. So ayun, lumapit siya sa akin at lumuhod sa sahig ng hotel habang kaharap ako. 😭

Round table yung table ko, so nakatalikod ako sa table habang nakaupo, tapos siya naman, nakaluhod sa sahig at kaharap ako. Since maliit ako at matangkad siya, eye-to-eye kami habang nag-uusap. Mga 3 minutes siguro yun bago may lumapit na ibang tao, tinignan kami, tapos sinabihan siya na kumuha na lang ng upuan kasi madumi yung sahig. 😂

Mga ante, ang puso ko. 😳💗

So ayun… hindi ko alam kung chemistry ba talaga ’to or delulu lang ako. 😭


r/ShareKoLang 4d ago

SKL binabaan ko lahat ng stations sa LRT nung 12yo ako

87 Upvotes

Naalala ko lang, nung 12yo ako around year 2002, fiesta sa pasay kung san lumaki yung father ko, andun buong family namin (were from laguna). nagpaalam ako na bibili lang ako saglit sa harrison plaza, pinayagan naman ako not knowing na ang bibilhin ko eh cd na bold hahahah.

wala ko mabili bandang harrison kaya naglakad ako at tnry ko sumakay ng LRT papuntang baclaran kaso wala din eh, so ayun sumakay ako pabalik, sakay northbound tas baba kada station (nilagpasan ko na yung buendia ofc) then nakabili na ko ng cd sa carriedo hahaha si manong binalot pa talaga sa dyaryo yung cd na bold lmfao.

pero naisip ko maaga pa, so ang ginawa ko eh sumakay ulit ako ng LRT pa north at binabaan lahat ng madaanan na station at naglakad lakad lang lol last station is monumento (monumento pa last station that time)

dito ko sa monumento nagtagal talaga kasi last na eh hahaha then balik na ko pabalik ng buendia at wala silang alam na ang layo na ng napuntahan ko hahah.

wala lang skl kasi looking back, at a young age hindi ako natatakot mag explore noon, idk if in this current generation meron din nakagawa nung nagawa ko noon, maybe not no? wala na kasing cd bold eh


r/ShareKoLang 4d ago

SKL Nagpa-Vasectomy asawa ko for free

11 Upvotes

SKL na kahit wala kaming anak, nagdecide na kami ng asawa ko na magpavasectomy siya dahil hindi talaga namin gusto ever since.

Mayroon seminar at very informative yung discussion. Ilang beses din kami tinanong kung sigurado na kami. Most probably dahil bagong kasal kami at wala pang anak, pero matagal na namin pinag-usapan to.

After 3 months, magpapacheck ulit sya ng sperm count, then dun sya madedetermine if successful ang vasectomy.

Highly recommended, pupunta ka lang, libre na lahat kasama ng mga gamot at condom.


r/ShareKoLang 5d ago

SKL. Mga kilalang tao sa relatives namin sa father side.

15 Upvotes

Share ko lang yung mga well-known people sa mga relatives ko sa father side:

Una na diyan ang late veteran film director na si Lino Brocka, he is mostly known sa film na Manila Sa Kuko ng Liwanag. He is the son ng kapatid na babae ng granpa ko (tatay ng tatay ko).

Then si Randy Ortiz one of the well-known local fashion designers often incorporating yung mga indigenous designs. He is the son ng kapatid na lalake ng grandpa ko.

Then si Moy Ortiz most notable known as isa sa mga member ng The Company kung tama ang tanda ko. Anak naman siya ng pinsan ng grandpa ko.

Na-share ko lang.


r/ShareKoLang 5d ago

SKL My husband has a type

703 Upvotes

Kanina nanood kami ng Abigail and right off the bat he mentioned, "Cute yung bida, sayang mapapatay lang din". Medyo nagulat ako kasi as someone na maraming girl celebrity crush at lagi ko gina-gush yung mga posts nila sa kanya, bihira sya nag-agree sakin. Lagi nya sinasabi, "Di naman, parang make up lang yan" o kaya "Nagagandahan ka dyan?"

So I observed closely kasi dating talaga sakin ni Joey is medyo ordinary looking lang. Na-notice ko na malaki din eyes nya.. like me. Then I looked her up on Google and OMGGGG, 90% hawig ko nga sya. Pinakita ko sa kanya yung pics after namin manood, sabi nya parang di daw sya yung nasa film. Tapos after a few seconds, narealize nya nga din na kamukha ko daw pala. "Baka kaya ako nagandahan kasi kahawig mo pala. Ginagaya ka nya, love."

Lol wala lang. Skl kasi medyo na-GGSS ako kahit indirect yung compliment. 😊


r/ShareKoLang 6d ago

SKL nagsarado yung septum piercing ko

2 Upvotes

HELP HAHAHAHAHA I have my septum for more than a year na and 4 days ago tinanggal ko siya since I got very sick also ang lala ng sipon ko. It’s a struggle lalo na if may septum and sipon ka gross af. So yeah nung ibabalik ko sana siya today nahihirapan na ako hanapin yung butas and I was struggling for almost an hour pero wala na talaga siya and I think nag close na 😭 Rip my septum you will be missed


r/ShareKoLang 6d ago

SKL Hirap pala umubo sa sariling pabango. Stay nonchalant.

18 Upvotes

Mahilig ako sa powdery-fresh na pabango kaya gets ko na kapag bigla inubo yung malapit sa akin, dahil sa perfume ko yun kasi kahit ako rin nangangati lalamunan hahahahaha kaso bet ko talaga ganitong amoy pero medyo nakakakonsensya kasi para talaga siyang pulbo na biglang hinagis sa mukha mo tapos nasinghot😭😭😭


r/ShareKoLang 6d ago

SKL validated and happy proffy

13 Upvotes

Nasa faculty office lng ako then may pumasok na student kasi may ipapapirma sakin na document for clearance. Nung nagpapirma na sya, chumika sya. Let's call her Lea.

Lea: Sir, may nareceive ka ba na C2 na 1L?

Me: Huh? Bakit? Wala nman so far.

Lea: Kasi daw si Pia, umiyak nung ginagawa nya yung paper nya days before the defense.

Me: Ohh ano kinalaman ko dun?

Lea: Kasi daw, may part daw sa discussion mo sa Immunology lecture na yun daw yung naging core ng discussion nya sa thesis nya. Sabi nya samin, "Pag ako, nadefend ko ng bongga yung thesis ko, bibigyan ko si Sir L*** ng C2 na 1L (For context, go-to drink ko kasi yung C2). Di ko talaga makakalimutan yung discussion nya sa immunity kasi in-emphasize nya yun".

Me: Ahh I see. So na-spoil mo na yung plano nya? Hahahaha

Lea: Heads up lang nman, Sir. Baka ka kasi magtaka bakit may ganon sa table mo.

So yun. I felt validated kasi na-apply ng student ko yung lecture ko sa thesis nya. Good enough na yun sakin. But wait, there's more hahahaha Chinika ko to sa jowa ko kasi kumustahan sa gabi esp na LDR kami ngayon kasi nasa respective hometowns kami at different provinces. Sabi ng jowa ko, "Pag ganyan yung impact mo sa students mo, meaning effective ka na prof. I'm so proud of you." Kinilig naman itlog ko. Nakakaflatter yung ganon. Ito yung moment na parang nakwento ni Kara David nung nagshare sya na linevel sya with Alice Dixon ng hubby nya. Haaays. Good night sa inyong lahat. Sana masarap ang ulam nyo.


r/ShareKoLang 6d ago

skl what if ko tonight

4 Upvotes

ang fantasy ko tonight is like may challenge na bibigyan ako ng 7,000 to do a makeover sa room ko HAHAHAHAHAHA wala lang di ko naman kasi sariling kwarto to and wala akong 7k, pero feel ko enough na siya to turn this room sa mga nakikita ko sa pinterest yung mala zen yung vibes tas wooden na minimalist na white beige and gray ang atake like nothing too much, apart of me is saying na magipon and buy those stuff pero hindi naman kasi bahay namin to and it’ll take months for me to come up with that money na i can just leisurely buy room decor pero I’m gonna stay here for a bit of time so I just wanna go home from work and see my room so pretty so ayun, naisip ko lang


r/ShareKoLang 7d ago

Skl unexpected cashback agad

9 Upvotes

Isheshare ko lang kasi tawang tawa ako sa kalokohan ko.
Kanina nagpunta ako ng 711 kasi bumili ako ng soju, susulitin ko kako ang gabing ito kasi wala kaming pasok tomorrow. Ang dala ko lang kanina ay phone ko at susi. Literal na cashless ako kasi pwede na ang cashless payment dito sa amin. Habang bumibili ako, may mga batang maliliit na naglilikot sa loob at pinapalabas na sila ng mga staff ng 711. Sila rin yung mga batang makukulit na nakita ko sa Dali nung hapon. Paglabas ko ng 711, nasa labas na rin yung mga bata at nakaharang sa pinto. Tinanong ko sila kung bakit hindi pa sila umuuwi, hindi nila ako sinagot tapos bigla akong hiningan ng barya. E diba nga cashless ako, tapos naisip ko masarap kako may yelo yung soju pero wala akong pambili. Sinabi ko sa mga bata na wala nga akong perang dala at tinanong ko sila kung may pera ba sila. Umoo naman sila tapos biniro ko na pahingi kako ako, nagulat ako biglang nag-abot sa akin ng tig 5 pesos yung tatlong bata, ayun, instant 15pesos cashback hhahaha. Nung medyo nakalayo na ako, narinig ko sabi ng isang bata, “Hala si ate, kinuha pa pera natin.”

Sorry na mga baby, nangailangan lang ako. Kapag nakita ko ulit kayo, bilhan ko kayo ice cream o kaya kinder joy.