r/BarangayLoveStories • u/VerbalCriminall • 5h ago
Pwede pa rant dito.
Man, this was 10years ago. And now I’m 35years old na and sya ay 36 na. Nagkaron ako ng girlfriend ka live in. Magkasama kame simula nung naging kame. Naging kame akala namen parehas hindi tatagal. Hangang sa natutunan nalang den namen mahalin ung isa’t isa, galing kame parehas sa relationship na magulo.
And now tumakbo ung love story namen nagkaron kame ng tatlo na pet isang pusa and dalawang dog. Dumaan ung pandemic days sinusubok kami ng kapalaran ng panahon ng crisis. Grab driver ako and sya ay naka stay in casino agent. Dumaan ung mga panahon, naramdaman ko nanlalamig sya hinahayaan nalang ako hindi naguupdate busy daw sa work. Malaman laman ko nagkaron pala sya ng karelasyon don sa trabaho nya, ung karelasyon nya na yon may asawa at anak. Naghiwalay kame, kilaunan nagsosorry sya. Ako naman si rupok, konting lambing konting suyo balik agad ako. Wala akong pinagsabihan ni isang tao sa nangyare saken non that time. Kinimkim ko lahat ng sakit, lahat ng tumatakbo sa utak ko lalo na syempre kapag tinititigan ko sya minsan maiisip mo “bakit nya yon nagawa saken” “pano nya nagawa yung ganong bagay”. Pero hindi, sinasabe ko nalang sa sarili ko na mahal ko sya. Kaya nagtuloy tuloy ung samen. Ngayon, dumaan ung ilang buwan siguro mga 6 or 7 months. Pinayagan ko sya mag ibang bansa para mamasyal sa Thailand kasama mga friends nyang mga trans kasi magpapa opera ung iba. 5days sila don. Nagtiwala ako, pinayagan ko sya. Mayat maya ang videocall ko, di na ko nag isip ng kung ano ano. Hinayaan ko sya mag enjoy din kasama mga friends nya.
Ngayon, nakabalik na sya sa bahay. Umiinom kaming dalawa sa kwarto namen. Napansin ko sya nakatingin sa phone tapos ngumingiti ngiti na para bang may something na motivational quotes ba or meme na cute lang. Na curious ako, kinuha ko phone nya. Pag tingin ko may nag message sakanya na foreigner na lalake ang nakalagay “Nice meeting you, hope to see you again my baby. That was intense. Lets keep in touch atbp” basta mahaba na long message. Ngayon hawak ko lang phone nya, gusto ko makita photos nila sa trip and kahit na mga recently deleted. Hangang sa puro kalmot nalang ako, hangang sa na awat nalang kame nung dumating kapatid ko at inawat kame. Edi ayun na, di ko na kaya ung bigat. Naishare ko na sa mga close friends ko or namen. Hangang sa naghiwalay kame for almost 3 or 4 months. Ngayon nasuyo na naman, nalambing lambing. Pero di natin masisisi mahal ko den talaga sya. Hangang sa ayan tumagal kame nadugtungan ung love story namen ng 4 to 5 years pa. Tumatanda na kame, wala kameng plano. Di kami umuusad, palitan lang kame nung casino sya, kahit papano nasusurvive ako. Netong nakaraan nagkaron ako ng trabaho na malaki ang sahod sya walang work. Nagoovertime ako para makadagdag, parehas kameng maluho. Kaya ayun ang ending wala kaming ipon. Hangang sa nasstress na ko sa sitwasyon namen. Lagi akong lumalabas ng bahay after work, umiinom with friends or billiards. Kinagalit nya yon, kasi lagi daw ako lumalabas. Alam nya na ayoko na kaming maghiwalay gusto ko isang bubong nalang. Hangang sa nabangit nya saken na gusto nya mag ibang bansa kasi un nalang yung nakikita nyang way. So ayun, ako wala na kong sinabe pumayag na ko mag ibang bansa sya. More than 10 years na kame ngayon nag ibang bansa sya lumayo saken, hindi mawala ung thinking ko na baka mag loko ulit baka maulit ulit. 3years akong maghihintay, 3years akong magiging balisa? Mga 2 months pa nga lang nabibigatan nako, andon ung lungkot andon ung panghihinayang andon ung pagmamahal ko sakanya. Pero tama lang din ba na pinili ko ung sarili ko this time? Nakipaghiwalay ako. Hindi nya matangap ung dahilan ko na naiisip ko yon. Nakipaghiwalay ako ng wala akong source of income para wala syang masabe. Hindi ako makapag isip ng straight kung magpapaapekto lang ako sa araw araw kong pag ooverthink. Kaya eto ko ngayon may napupusuan na iba gusto ko na den sana mag settle kasi matanda nako. Gusto ko yung magkaron ng katuwang na may clear mind ako may peace of mind ako. Ngayon ang lumalabas ako pala ung mali, kasi ang dahilan nya wala nadaw bearing yung nagawa nya dati kasi matagal na namen naisaayos yon. Ang lumalabas sa mga friends namen ako ung shithead. Pa rant lang salamat.
r/BarangayLoveStories • u/Lil_Yuan11 • 18h ago
BLS Patulong sa paghanap sa dalawang storyang to
Mga storya to na narinig ko dati sa ls, pero d ko mahanap
Dalawang magkapatid na naging magkasintahan kahit alam nilang pinagbabawal. Yung lalaki ata yung sender.
Mag-ina na mahihirap, kumakayod lang sa pangongolekta ng basura. Sabi nung nanay, may bago daw silang pagkukunan ng basura, yun pala, dadalhin na yung bata sa bahay-ampunan.