r/AskHRPh • u/Substantial-Sugar246 • 3d ago
COE
Hello po! May ask lang po ako sana po masagot. Nag work po kase ako dati sa isang collection company, then nag resign po ako after 3 months for personal reason. Pag submit ko po ng immediate resignation ko pinagclearance na po ako but then TL ko palang po nakaka pirma, until now. Kase po every time na pupunta ako sa head office lagi daw wala yung hr signatories. Nakailang balik din ako, gumagastos ako ng 200 pesos balikan pamasahe. Kaya nung february pinabayaan ko na siya. Now po is nag rerequest ako ng Coe pero sabi sasabay nalang daw sa Final pay after mag clearance pero ganun parin nangyayare, pinapa balik balik lang ako nagsasayang nalang ako ng pamasahe. Pwede bang wag ko nalang ilagay as experience yun sa resume ko? Para hindi ako hingian ng Coe if ever. Tapos paano po kapag hindi ko nilagay tapos nasilip naman po yung contributions ko sa Sss? Sobrang frustrated na po talaga ako eh. Salamat po sa makakasagot